PunchKebbi ADC alleges police plot to arrest opposition membersInquirerDeclaring PH-wide ‘El Niño’ state of calamity ruled outThe Jerusalem Post'Not merely a mythological concept': Huckabee says Israel archaeology, Bible back ZionismDaily MaverickCongo’s Ebola cases surpass 11,000, government data show한겨레울산웨일즈, 창단 첫해 퓨처스리그 최초 7만 관중 돌파…성적·흥행 다 잡았다ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFGIGAZINEGoogleがロボット用AI「Gemini Robotics 2.5」を発表SportstarHardik Pandya joins Punjab Kings in blockbuster IPL 2027 trade; Arshdeep Singh moves to Mumbai IndiansScreen RantMarvel Fans React To VisionQuest's Game-Changing Post-Credits SceneCNewsРободоставка заработала на Среднем Урале — роверы «Яндекса» начали привозить заказы жителям ЕкатеринбургаNew Straits TimesGovt reviewing solar financing options to improve B40, M40 accessХабр[Перевод] Почему клоны USB Blaster под Linux зависают на 30 секунд: две находки в jtagd из Quartus
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 11, 2026

Inakalang aso sa gitna ng kalsada sa dis-oras ng gabi, batang 1-taong-gulang pala

Translate

Laking gulat ng isang rider at kaniyang angkas nang makita nilang bata at hindi aso ang nakaupo sa gitna ng kalsada na dadaanan nila sa Quezon City sa dis-oras ng gabi noong Linggo.

Sa ulat ni Jun Veneracion sa GMA News 24 Oras nitong Martes, ipinakita ang video na kuha ng rider na todo sa pagbusina nang may mapansin silang nakaupo sa gitna ng kalsada sa West Avenue bago maghating-gabi noong Linggo.

Pero nang makalapit na sila sa inakalang aso, nakita nila na isa itong bata na nakaupo sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang daw at nakita nila agad ang paslit dahil may kabilisan ang mga sasakyan na nakasunod sa kanila.

Kinuha nila ang paslit na isang-taong-gulang at dinala sa bangketa.

Dito, isang lalaki na nagpakilalang ama ng paslit ang kumuha sa bata, at nagpasalamat sa nakakitang rider.

Pinuntahan ng mga social worker ng Quezon City nitong Martes ang lugar kung saan nangyari ang insidente para sagipin ang bata at pamilya nito pero hindi nila ito nakita.

Sa nakuhang impormasyon ng lokal na pamahalaan, napag-alaman na bunso sa dalawang anak ng mag-asawang nakatira sa kariton ang paslit na nasa gitna ng kalsada.

Ayon kay Leila Interino, social welfare officer ng QC, napag-alaman na nag-away umano ang mag-asawa nang araw na iyon. Umalis ang babae at naiwan ang bata sa pangangalaga ng mister at napabayaan nito ang anak.

Dayo lang umano sa lungosd ang pamilya, at dati nang nasagip ng barangay pero bumalik din sa kalsada.

Dahil inaasahan ng lungsod na dadami pa ngayong magpapasko ang mga naninirahan sa kalsada, mas paiigitingin daw ng mga social workers ang kanilang kampanya upang sagipin ang mga ito.

Payo naman ni Interino sa mga magulang na hindi kayang pangalagaan ang anak nila, dalhin sa shelter ang mga bata para hindi pakalat-kalat sa kalye. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.