The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, October 7, 2026

Driver ng 'kolong-kolong,' nagpakita ng baril sa kasabay na motorista sa Nueva Ecija

Translate

Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng driver ng kolong-kolong (isang uri ng tricycle) na nagpakita ng baril sa kasabay nitong motorista habang bumibiyahe sa Nueva Ecija

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkules, ipinakita ang video footage sa nangyaring insidente sa Nueva Ecija-Olongapo Road sa Barangay Sto. Cristo sa San Isidro, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi.

Makikita ang driver ng kolong-kolong na bumibiyahe habang may hawak na tila baril sa isa niyang kamay.

Ayon sa nag-upload ng video, bukod sa pagpapakita ng baril, humaharang din umano sa linya ng daanan ng motorista ang kolong-kolong.

Mabuti na lamang daw na may nadaanan silang barangay hall at ini-report nila ang insidente. Kasunod nito ay ipinag-bigay alam na rin sa pulisya ang ginawa ng driver ng kolong-kolong.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, at nanawagan ito sa sino mang may impormasyon sa pagkakakilanlan sa driver na makipag-ugnayan sa kanila. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.