Rider na natumba matapos masagi ng isa pang motorsiklo, patay nang magulungan ng SUV

Patay ang isang rider matapos na matumba nang masagi ng kasabay na motorsiklo, at masagasaan ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) na nasa kabilang linya ng daan sa Pulilan, Bulacan.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, makikita sa video footage ang pagtumba ng biktima sa bahagi ng kabilang linya ng daan na sakto namang pagdating ng SUV at nagulungan ang 46-anyos na biktima.
Ligtas naman ang menor de edad niyang angkas.
Sumuko sa pulisya ang driver ng SUV na dating alkalde ng Pulilan, at ayon sa pulisya, magkausap na ang dalawang kampo.
Hindi na umano magsasampa ng reklamo ang mga kaanak ng biktima sa dating alkalde. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.