PunchMohbad: IGP approves family’s petition for fresh probeDaily MaverickUS Supreme Court sides with Tennessee to allow its first execution of a woman in 200 yearsESPNFollow live: Padres in control in Game 2 with spot in NLDS on the lineESPN DeportesYankees aplasta a Red Sox por 9-2 y barre la Serie de ComodinesThe Jerusalem PostIsraeli tourists rescued amid renewed fighting in Tigray, Ethiopia, FM saysCNN TürkHava Durumu (01-10-2026)Daily MailChrista Pike execution descends into chaos with killer still alive after two lethal injection doses as she's rushed to hospital to 'receive medical care'Lenta.ruРейс flyDubai спас насмотревшийся передач об авиакатастрофах сантехникThe Sydney Morning HeraldA lingering hangover has lifted: Patrons can now stand and drink outside city pubsCBS NewsTennessee's attempt to execute Christa Pike using lethal injection failsThe Indian Express‘Defending yourself isn’t hitting’: Ranvir Shorey reacts to ex-Pooja Bhatt’s brother’s claimsLa NaciónAseguran que Christa Pike sobrevivió a dos inyecciones letales durante su ejecución en Tennessee
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 1, 2026

Mangingisda sa Masbate, nagulantang sa aksidente niyang nahuli na isang pambihirang sea creature

Translate

Nagulat ang isang mangingisda sa Masbate nang aksidente niyang mahuli ang isang dambuhala at pambihirang nilalang sa karagatan na may napakalaking bunganga. Alamin kung ano ito.

Sa ulat ni Kim Atienza sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabi ni Elmer Alburo na halos dalawang talampakan ang lapad ng bibig ng nahuli niya na isang uri ng pating, at umaabot sa pitong metro ang haba.

"Talagang nakakatakot kasi sobrang laki," ani Elmer na sinabing nasa 250 hanggang 300 kilos ang bigat.

Hanggang sa napagtanto ni Elmer na ang kaniyang nahuli ay isa sa mga pinakabihira at mailap na pating sa mundo na megamouth shark.

Ayon pa kay Elmer, aksidente lang niyang nahuli ang pating at hindi naman niya sinaktan.

Batid din daw ni Elmer na bawal hulihin ang naturang pating kaya kumilos siya para maalis ang lubid na pumulupot sa buntot nito upang makawala.

Naniniwala si Elmer na buhay ang megamouth shark matapos niya itong pakawalan.

Ang mga Megachasma pelagios, o megamouth shark, ay naninirahan sa pinakamalalalim na bahagi ng karagatan.

Ayon kay AA Yaptinchay, executive director ng Marine Wildlife Watch of the Philippines, umaabot sa mahigit isang kilometro ang lalim ng tirahan ng mga megamouth shark.

Unang natuklasan ang megamouth shark sa Oahu, Hawaii noong 1976. Mayroon lamang umanong 200 dokumentado at napag-aralang specimen ng naturang uri ng pating.

"Ang pinakamaraming country na may report ay Taiwan. Tapos ang Pilipinas actually ay susunod sa Taiwan sa pinakamaraming report. Nasa 42 reports ang meron sa Pilipinas," ayon kay Yaptinchay.

Gayunman, kadalasang nahuhuli sa lambat o napadpad sa baybayin ang pating kapag nai-report at patay na.

“Since rare ang pating na ito, wala siyang status. Actually data deficient ang status niya. Maganda talaga ma-report ito properly by proper documentation,” ani Yaptinchay.

“Kaya kapag nahuli ito, tama yung ginawa ng fisherman may documentation siya through video or photo. Maganda nga mapagbigay-alam doon sa mga nag-aaral nitong species na ‘to tulad ng Marine Wildlife Watch of the Philippines,” dagdag niya.

Ngunit kung palakihan ng bunganga ang pinag-uusapan, ayon kay Kuya Kim, ang bowhead whale ang may hawak ng Guinness World Record na may pinakamalaking bunganga sa mundo.

Ang bunganga nito, umaabot ng hanggang limang metro, na may apat na metro ang taas, at 2.5 meters ang lapad. Ang kaniya namang dila, tumitimbang ng isang tonelada.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.