Mag-ina, patay nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Cebu

Nasawi ang isang 62-anyos na ginang at 22-anyos niyang anak matapos silang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Talisay, Cebu.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng Talisay City Fire Station na sumiklab ang sunog sa Barangay Tabunok pasado 3 a.m. nitong Martes
Dumating ang mga rumesponde at nadatnang naka-lock ang gate ng dalawang palapag na bahay.
Nahirapan din ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa taas ng bakod. Naapula ang apoy dakong 4:00 a.m.
Sinabi ng mga opisyal ng barangay na kinatok at tinawag nila ang mga nakatira sa bahay ngunit walang tumutugon.
Inakala rin ng kaanak ng mga biktima na umuwi sa probinsya ang mag-ina.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.