PunchSowore demands release of detained FIJ journalist OjukwuInquirerBukidnon water district gears up as Super El Niño threatens supplyCNN TürkUzmanı açıkladı: Akciğer kanserinde hastalığın evresi tedavi başarısını etkiliyorDaily MaverickBaltic nations briefly issue drone alerts as Russia, Ukraine exchange strikesThe Jerusalem PostNeria Leiter, son of Israeli envoy to US, discharged from hospital, transferred to rehab centerZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioThe Hollywood Reporter‘Bugonia,’ ‘Lord of the Flies’ Among 2026 FilmLight Colour Awards WinnersKhaosod EnglishGiant boulder falls near Phatthalung home after days of heavy rainDeadline‘NAZA’ Becomes One Of The Most Watched Docs On Theatrical Release In 2026GIGAZINEGoogle製高性能AI「Gemini 4 Carbon」が一般公開される、複数のAIが協力する新機能で3Dゲームを制作するデモも披露Observador DesportoEurodeputados debatem recentes ataques informáticos à UE20 MinutenThomas Müller postet erstes Pärchen-Foto
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 11, 2026

5-anyos na batang tumawid ng kalsada, patay nang magulungan ng palikong van

Translate

Nasawi ang isang 5-anyos na batang lalaki na tumawid ng kalsada matapos siyang magulungan ng palikong van sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig. Depensa ng 62-anyos na driver, hindi niya napansin ang biktima.

Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Miyerkules, mapanonood sa CCTV ang pagliko ng van pasado 9 a.m. ng Martes.

Ilang saglit pa, nagulungan na nito ang batang biktima.

Nagtakbuhan ang ilang tao para sumaklolo, kabilang ang ilang pulis Pasig na nagpapatrolya noon sa lugar.

"Sa CCTV makikita mo, dalawang beses na nakagulong 'yung van, 'yung sa harap at saka du'n sa likod. Huminto 'yung sasakyan. Siguro dahil may sumigaw na mga bystanders, agad narespondehan at 'yung bata ay agad din nadala sa hospital," sabi ni Police Colonel Wilson Delos Santos, hepe ng Pasig City Police.

Dead on arrival sa hospital ang biktima matapos mapuruhan sa tiyan, ayon sa pulisya.

Sabi ng ilang saksi, nakatambay ang batang biktima sa nakaparadang e-bike sa gilid ng kalsada. Kalaunan, tumawid ang bata pero pumailalim at nagulungan ng palikong van.

Sinabi ng lola ng batang lalaki na walang kasamang magulang ang biktima nang maganap ang insidente.

"Tulog si k*** 'yung kuya. Kaso lang itong kuya naman parang hindi niya sinamahan 'yung kapatid niya. Papauwi na nga dapat 'yun. Dapat naman kasi 'yung driver, so siyempre sa malayo pa lang makita niya 'yung bata nakatayo sa gilid," sabi ng lola ng bata.

"Maaaring hindi napansin ng driver dahil mataas 'yung kaniyang van. At tamang tama rin na siya ay paliko. Na-hold po natin 'yung driver at nakuha din natin ang lisensiya ng driver. At kusa din naman siya na sumama sa atin," sabi ni Delos Santos.

Sinabi ng driver ng van na hindi niya napansin ang batang tumawid ng kalsada. Sasampahan siya ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

"Hindi ko napansin. Doon sa mga magulang na lang po ako nanghihingi ng pasensiya sa hindi inaasahang pangyayari," sabi ng driver.

"Masakit bilang isang lola na mawala 'yung apo. Masakit lang talaga ma'am. Sakit. Sobra. Sobra talaga," sabi ng lola ng biktima. — Jamil Santos/ VDV GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.