ESPN DeportesLa Francia de Zidane se pone a prueba sin Mbappé ante BélgicaPunchJUST IN: AAC sues Tinubu, NASS over Europe vacationESPN📈 CFB Power Rankings: Florida makes big jump; five new teams in Top 25The Jerusalem PostDutch ban on West Bank, Golan imports 'outrageous, offensive,' Foreign Min. official tells 'Post'RTP DesportoJurgen Klopp lidera recorde negativo no comando da seleção da AlemanhaInquirerCamarines Sur placed under state of calamity over dengueBillboardUniversal Music Group Names Òscar Celma as Company’s First Senior VP, Applied AI & Machine LearningGlobal NewsHurricane Polo: Mexico’s Baja California braces for life-threatening floodsFootball ItaliaBad news for Cagliari as Deiola undergoes knee surgeryPremium TimesNIPC, Kaduna take top spots in transparency, integrity rankingCNN بالعربيةإعلام إيراني: عراقجي يلتقي الوسطاء القطريين في نيويورك3DNewsПервое открытие ИИ-биолаборатории Anthropic поставили под сомнение — учёный увидел в нём свою неопубликованную работу
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, September 28, 2026

2-anyos na lalaki na nasagasaan ng closed van, sugatan pero nakaligtas

Translate

Laking pasasalamat ng pamilya ng isang batang lalaki na dalawang-taong-gulang na bagaman sugatan, nakaligtas ang paslit matapos masagasaan ng closed van sa Caloocan City. Ang lola ng bata, naniniwalang iniligtas ng anghel ang kaniyang apo.

Sa ulat ni Gabriel Gonzalez sa GTV News Balitanghali nitong Lunes, makikita sa CCTV footage na dumadaan ang closed van sa Barangay 180 nang biglang tumawid ang bata noong Biyernes ng hapon.

Tumigil ang van at makikitang nakahandusay na sa likod nito ang bata.

Isang lalaki ang humatak sa bata na kalaunan at isinugod sa ospital.

Nagtamo ng sugat sa dibdib at mga pasa sa braso ang biktima.

Ayon kay Garry Caneza, BPSO Team Leader ng barangay, nabuhay ang bata at patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Aminado ang lola ng biktima na si Rosita Orquijo, na hindi nila masyadong nabantayan ang apo nang mangyari ang insidente.

Iniwan daw sa lola ang bata dahil Nagpa-checkup ang ina nito na buntis.

Labis ang pasasalamat ni Orquijo, na nakaligtas ang apo sa kabila ng nangyari.

“Siguro sinagip ng angel yon,” ‘saad ng lola, “’Hello mama,’ sabi niyang ganun sa akin. Naka-recover naman.”

Ayon sa awtoridad, pinakawalan na ang driver ng closed van matapos na magkausap ang dalawang panig. Sasagutin din umano ng kompanya ng driver ang gastos sa pagpapagamot sa bata.

Nagpaalala naman si Caneza sa mga motorista na palaging mag-ingat sa pagmamaneho, habang dapat naman bantayan ng mga nakatatanda ang mga bata para makaiwas sa disgrasya.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.