ESPN DeportesMéxico vs Chile: Luis Romo causa baja por lesiónESPNIs Bijan Robinson the NFL's best running back? He is when he's in primetimeInquirerHighlights: Day 33 of Sara Duterte impeachment trial | Oct. 5, 2026Daily MaverickJUDICIAL APPOINTMENTS: JSC fills Supreme Court of Appeal vacancies amid pressure to reformThe Jerusalem Post'Twisted Torah': Israeli leaders criticize Rabbi Lando anti-Zionist viewsZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioFootball ItaliaFootball Italia Show: Convincing Azzurri win, Doumbia and Vergara are here to stayThe IndependentJeffrey Archer: A gift for self-publicity but dogged by scandal – he was the nearly man of British politicsSCMP ChinaUS accuses mainland China of targeting Taiwan leader’s family in surveillance caseRolling StoneDrake Won’t Submit Any of His Three Albums to the 2027 Grammys: ReportCBS SportsNFL DFS, Saints vs. Falcons: Top daily Fantasy picks, lineup advice for 'Monday Night Football'NU.nlBritse bestsellerauteur en oud-politicus Jeffrey Archer (86) overleden
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, October 5, 2026

Babae, pinatay sa saksak at saka isinemento umano ng bunsong kapatid sa likod ng pader para ikubli ang krimen

Translate

Natagpuan na nakabalot sa kulambo, may mga saksak, at isinemento sa likod ng pader ang bangkay ng isang babae sa kanilang bahay sa Iloilo City. Ang suspek, mismong ang nakababata niyang kapatid, na mariin namang itinanggi ang krimen.

Sa ulat ni John Sala ng GMA Regional TV sa GMA News 24 Oras nitong Lunes, sinabing ang ibang miyembro rin ng pamilya ang nakadiskubre sa bangkay ng 65-anyos na biktima na may pitong saksak.

Naniniwala ang pamilya na ang 45-anyos na kapatid ng biktima ang pumatay sa babae at binalak niyang itago ang bangkay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nadinig umano ng iba pang kapatid ang pagtatalo ng dalawa noong Sabado ng umaga. Ngunit hindi nila alam kung ano ang pinagtalunan ng mga ito.

Hanggang sa natagpuan na nila ang bangkay ng biktima sa likod ng dingding ng kanilang bahay.

“Hindi niya talaga maitago kasi pininturahan niya ng color blue at binasa ng tubig. Ang pintura tumulo sa sala going to pintuan iyon na-trace ng mga kapatid at na-verify,” ayon kay Police Captain Ryan Christ Inot, hepe ng Iloilo City Police, Station 4.

Sa pahayag ng mga kaanak nila sa pulisya, isinailalim umano ang suspek sa rehabilitasyon dahil sa adiksiyon sa alak, sigarilyo at sugal.

Ayon kay Inot, may nakuha rin silang impormasyon na gumagamit ng ilegal na droga ang suspek.

Naaresto sa hot pursuit operation ang suspek sa San Juan Molo. Nakuha rin sa bahay ang kutsilyo na hinihinalang ginamit sa krimen.

Sa kulungan, itinanggi ng suspek ang paratang laban sa kaniya, at sinabing nais lamang ng iba nilang kapatid na mawala ulit siya.

Ayon sa suspek, nagulat siya nang habulin at arestuhin siya. Hindi niya itinanggi na kalalabas lang niya sa rehabilitasyon.

“Na blind lang nila ako, lalabas na sana ako sa rehab, ito naman ang ginagamit nila para makulong ako ulit at sila ang magmay-ari ng propiedad at yaman,” pahayag niya.

Mahaharap ang suspek sa reklamong murder.

Samantala, tumanggi nang magbigay ng pahayag ang kanilang mga kaanak, ayon sa ulat. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.