UN NewsAs freshwater reserves shrink, countries must prepare for a new water realityPunchUNIPORT ASUU declares indefinite strike over incomplete salaries, allowancesוואלהסלפי עם בן גביר, מחיאות כפיים לחדאד: הבחירות הגיעו לתיכון בליךBollywood HungamaLuv Ranjan unveils first look of Pehla Pyaar Doosri Baar featuring six debutants, film to release on October 23The Jerusalem PostUN accuses US military of committing war crimes, Iranian regime of crimes against humanityInquirerP75-M donation to Marcoleta poll-related, 3 co-accused said – witnessInquirer EntertainmentShanaia Gomez recalls male celeb making a move on her at 14ХабрОтреверсили проприетарный gRPC и выложили в опенсорс 100% совместимый аналог их сервера, потом CLIColliderTom Hardy’s Gritty Western Is Officially a Streaming Juggernaut as ‘MobLand’ Season 2 Debuts3DNewsЗа пять лет мировой рынок чипов почти удвоится — память и ЦОД разгонят его до $3,2 трлнRTL BoulevardJaloerse vrouw (58) opgepakt om bestelde huurmoord op camping: 'Laat het op een ongeluk lijken'QuemTania Oliveira relata intercorrência em cirurgia para retirada de novo tumor: 'Sorriso ficou assimétrico'
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, September 17, 2026

Immigration officer na nagpapalusot umano ng illegal recruits, arestado

Translate

Isang immigration officer ang inaresto dahil sa pagpapalusot umano ng mga illegal recruit sa halagang P40,000 kada isa para pagtrabahuhin sa mga scam hub sa Cambodia.

Sa ulat ni John Consulta sa Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood sa CCTV footage sa NAIA Terminal 1 ang isang babaeng pasahero na kaharap ang isang immigration officer na naka-duty sa counter.

Tila ordinaryo mang immigration check ang nagaganap sa departure area, pero isa na pala itong planadong pag-alis upang mapalusot ang isang human trafficking recruit.

Gayunman, nakipag-ugnayan na ang recruit sa National Bureau of Investigation o NBI matapos ang ilang pagdududa.

Pagka-recruit sa kaniya, binilinan umano siya ng sindikato kung ano ang dapat gawin para makadaan, partikular ang immigration officer na kasabwat ng sindikato.

“May binigay na mapa na pupunta ako sa counter 5 and then ‘pag nakita ko raw po 'yung immigration officer is makipagtitigan ako. Para po malaman ng immigration officer na ako 'yung palalampasin niya na applicant,” sabi ni “Aileen,” ni-recruit ng sindikato.

“Tinanong niya ako kailan ang balik ko. So wala po akong nasagot kasi hindi ko po alam. And then siya na rin po sumagot sabi niya September 15. After po noon kinindatan niya ako. Pagka kindat niya po sa akin, tinatakan niya 'yung passport ko,” dagdag niya.

Pagkadaan ng recruit, agad dinakip ng NBI Dangerous Drugs Division at NBI Human Trafficking Division ang nagpalampas na immigration officer.

Maliban sa sketch na ibinibigay sa mga recruit, na-recover ang mga text na may direksyon ng lahat ng dapat nilang gawin para makaalis ng bansa.

Isinalaysay ng recruit sa NBI na inalok silang maging call center agent sa Thailand na may sweldong P50,000 kada buwan. Ngunit nagduda umano siya nang may biglang ipinadalang bag sa kaniyang paglipad.

“She was trying to back out from the employment. But later, nu’ng tinakot siya na pagbabayarin siya ng P20,000 yata or if hindi siya tutuloy and tinakot siya na may paglalagyan nga siya, she found the courage to report that to us,” sabi ni Atty. Ross Jonathan Galicia, Chief of Dangerous Drugs Division, NBI.

Sinabi ng NBI na palulusutin ng immigration officer ang limang pasahero sa kaniyang counter noong araw na iyon. Halagang P40,000 kada palulusutin ang bayad ng sindikato sa immigration officer.

Pagdating sa Thailand, Malaysia at Hong Kong, may mag-a-arrange ng lipad nila papuntang Cambodia para magtrabaho sa mga scam hub.

“They have developed an ecosystem to do human trafficking. Wala nang usap. Pagdating sa counter, hindi na magsasalita 'yung victim. Tititigan lang. Ang instruction, titigan mo lang 'yung immigration officer. Tapos magkikindatan, tapos na. Yun na 'yung transaksiyon,” sabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag.

Dalawa pang Pilipino ang nailigtas na pinalusot ng inarestong immigration officer. Nakabalik na ng Malaysia ang isa habang patuloy na pinaghahanap ang dalawa.

Samantala, anim na iba pa ang kinasuhan ng qualified human trafficking, kabilang ang ilang empleyado ng Bureau of Immigration (BI).—Jamil Santos/AOL GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.