The Jerusalem PostCourt adds two years to sentence of man who stole cars from Kibbutz Be'eri after Oct. 7InquirerBill fixing term of barangay, SK officials for Marcos’ signature – GatchalianESPN DeportesFury vs. Joshua, en Cardiff el 11 de diciembreESPNThe NBA Rank top 10 is here: SGA, Jokic or Wemby at No. 1?Bollywood HungamaSalman Khan and Arvind Swamy shoot massive train action sequence for Monster; source reveals details of Mumbai scheduleDaily MaverickTHE TIES THAT BIND US: Ramaphosa uses Heritage Day address to condemn gender-based violence after Ekurhuleni killingsHipertextualFiltrado el diseño de los Galaxy Buds On, los primeros auriculares tipo clip de SamsungGMA NewsBroken-hearted or termite gang? Man trapped in the sewer rescued in Quezon CityRTP DesportoMaxi Araújo marca na derrota do Uruguai com o JapãoBBC عربيما الفرق بين المملكة المتحدة وإنجلترا وبريطانيا؟Futura SciencesMeta transforme son casque VR en lunettes ultralégères : le gain est spectaculaire mais il y a un compromisNBC NewsMacklemore announces Free Palestine Tour
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, September 24, 2026

Nadakip na babae, nagbebenta umano ng mga pekeng gov't ID sa Maynila dahil sa hirap ng buhay

Translate

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang babae dahil sa pagbebenta umano ng pekeng identification card gaya ng PWD (person with disability) ID sa Maynila. Ang isa sa kanila, umamin sa ilegal na gawain na nagawa raw niya dahil sa hirap ng buhay.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing dinakip ng mga awtoridad ang isa sa mga babae sa bangketa sa Rizal Avenue sa Santa Cruz, hapon ng Martes, matapos niyang bentahan ng pekeng PWD ID ang isang awtoridad na nagpanggap na buyer.

Matapos nito, hinuli na rin ang isa pang babaeng kapwa niya vendor ng mga pekeng ID.

Batay sa pulisya, hindi bababa sa P500 ang singil ng mga suspek para sa anumang pinekeng government ID.

“Sila 'yung nagpa-facilitate ng pagpa-falsify ng mga dokumento. Nakuha sa kanila 'yung mga falsified na PWD ID ng local government ng Manila at driver's license. Within one hour, may ibibigay na sa iyo 'yung hinihingi mong dokumento,” sabi ni Police Major Philipp Ines, spokesperson ng Manila Police District.

Nasa kustodiya na ng MPD Special Operations Unit ang dalawang suspek, na mahaharap sa reklamong falsification of public documents.

Ang isa sa kanila, umamin pero iginiit niyang hindi sila mismo ang gumagawa ng mga ID.

“Sa hirap ng buhay, sa pamilya. Para sa pamilya lang ang ginawa namin, hindi para sa sarili namin. May amo po kami, P500 lang po ang naiuuwi namin niyan. Araw-araw P500, P400, minsan wala pa. Ayoko na po magsalita sir,” sabi ng isa sa mga babaeng naaresto.

Maaari ding managot ang mga taong nagpapagawa ng ilegal o counterfeit na ID.

“Huwag po niyong tangkilikin 'yung mga ganito. At 'yung pong ID ng PWD para po ito sa ating mga kababayan na talagang nangangailangan ng serbisyo ng ating pamahalaan, ng ating gobyerno, huwag naman natin kunin para ito sa kanila,” ani Ines. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.