Sikat na Bagoong Balayan ng Batangas, alamin kung paano ginagawa

Ipinagmamalaki ng Batangas ang kanilang “Bagoong Balayan,” na tradisyunal pa ring ginagawa sa pamamagitan ng mga tapayan. Kasahan kaya ni Drew Arellano ang pagtikim ng bagoong Balayan kahit hindi pa siya nakakatikim nito? Alamin.
Sa nakaraang episode ng “Biyahe ni Drew,” binisita ni Drew ang pagawaan ng Bagoong Balayan ni Tatay Herme, na 1990s pa niya binuksan.
Maliban sa mga drum, gamit pa rin ni Tatay Herme ang minana niyang mga tapayan, na tradisyunal na imbakan na mga inasinang isda na ginagawang bagoong.
Madali rin umanong “maluto” ang inimbak na isda sa tapayan kaysa sa mga inilalagay sa drum.
Mga isdang manansi, dilis, at galunggong ang ginagamit nilang isda sa bagoong.
Ayon kay Tatay Herme, sa paggawa ng bagoong, kung dalawang banyera ang isda, isang banyera naman ang inilalagay nilang asin.
Kapag sapat na sa buwan sa pagkakaburo ang mga isda, ginigiling ang mga ito para madurog ang laman at tinik.
Si Drew, aminadong alinlangan sa pagtikim ng bagoong, ngunit ibinalita niyang “nag-evolve” na raw ang kaniyang palette at hindi na masyadong takot sa lasa ng bagoong. Kasahan na kaya niya kaya ang ipinagmamalaking Bagoong Balayan ng Batangas? Panoorin.
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.