Kotse na sakay ang isang opisyal ng PH Coast Guard at ilang tauhan nito, niratrat; 2 ang patay

Nasawi ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard matapos tambangan ang sinasakyan nilang multi-purpose vehicle sa Cotabato City. Kasama nila sa sasakyan ang commander ng Coast Guard Station-Maguindanao, na suwerteng nakaligtas.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, makikitang tadtad ng tama ng bala ng baril ang sasakyan ng mga biktima.
Dead on arrival sa ospital ang isang Seaman Second Class. Habang nasawi naman habang ginamot sa ospital ang isang Apprentice Seaman.
Nasa loob din ng sasakyan ang commander ng Coast Guard Station-Maguindanao na nakaligtas, at tumutulong ngayon sa imbestigasyon upang mahuli ang mga salarin.
Nakipag-unayan na ang PCG sa mga naulilang pamilya ng dalawa nilang tauhan upang magbigay ng karampatang suporta. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.