The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 23, 2026

Rimbang na idinadawit sa higit P3B shabu shipment na manggagaling sa Laos, itinanggi ang paratang laban sa kaniya

Translate

Itinanggi ni dating Bangsamoro Transition Authority Parliament Member Sultan Sultan Edrieza Rimbang, na sangkot siya sa nabulilyasong shipment ng mahigit P3 bilyong shabu equipment na manggagaling sa Laos at dadalhin umano sa Mindanao.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, mapanonood ang panawagan ni Rimbang sa kaniyang social media account sa gobyerno na imbestigahang maigi ang isyu dahil nadadamay umano ang kaniyang pamilya.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Malacañang at ilang ahensiya ng gobyerno tungkol dito.

“Itong mga ibinibintang sa akin, hindi po totoo na may link ako diyan sa Laos, diyan sa droga na ‘yan… Hinatulan niyo ako kahit wala akong kaso, hindi ako kriminal. Makikipag-usap na ako sa mga attorney ko, mga abogado ko. Para sa narapat na legal na hakbang, aksyon, lilinisin ko po ang aking pangalan,” sabi niya.

Noong nakaraang linggo, binanggit ni Interior Secretary Jonvic Remulla si Rimbang bilang ang politiko mula Mindanao na sangkot umano sa smuggling. Aniya, pinaniniwalaang si Rimbang ang financier ng buong operasyon.

Ayon kay Remulla, si Rimbang ay kasal kay Prinsesa Rohaniah Rimbang, ang kapatid ng asawa ni alyas "Fahad" na naaresto sa isang paliparan sa Laos.

Naglabas na ng subpoena ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa 11 katao na may kinalaman sa kaso. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.