PunchI never refused doping test — French tennis player RinderknechThe Jerusalem PostJordan sentences terrorist to death for killing security officer, wounding another in AmmanDaily MaverickOLD WORLD REORDER OP-ED: Mbeki’s challenge to the Global South — turn debate into actionInquirer EntertainmentMiss Universe 2026: Bea Millan Windorski makes it to Top 30Fox NewsAmericans don’t have to choose between our AI future and ripping off copyright ownersBollywood HungamaPritam Chakraborty and mother Anuradha Chakraborty sell Mumbai apartment for Rs. 2.30 crores: ReportInquirerNBI: Pet ‘ashes’ appear to be ‘sand’ or ‘cement’RTL BoulevardKatja Schuurman zakt naar de grond na bizarre prank in Missie VerhulstZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFNumeramaSièges chauffants par abonnement : New York interdit de faire payer des options déjà installées d’usineBBC NewsMen charged with trespass at Prince and Princess of Wales's homeNHK 社会死亡したのは駐輪場で働く70歳男性 刺した人物は逃走 福岡
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 25, 2026

Ilang kabataan, nahuli-cam na nagpasabog sa isang eskinita sa QC

Translate

Nabidyohan ang ginawang pagpapasabog ng ilang kabataan sa Barangay Teachers Village West sa Quezon City. Sinabi ng mga residente na hindi ito ang unang pagkakataon na may nagpasabog sa kanilang lugar.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nakita ang dalawang high school students umano sa isang eskinita sa nasabing barangay bandang tanghali ng Martes.

Nagsilbing lookout ang isang lalaking nakaputing T-shirt, habang may inilalapag naman na isang bagay ang kasamahan niyang nakapula.

Ilang saglit pa, tumakbo na ang dalawa, pati ang isa nilang kasamahan na kumukuha ng video.

Hanggang sa nagkaroon na ng malakas na pagsabog sa eskinita, dahilan para tumunog ang alarm ng mga sasakyan.

Walang nasaktan sa pagsabog ngunit nabulabog ang mga residente malapit sa eskinita.

“As in parang bomba talaga dahil yumanig ‘yung buong CR ko. Sa tingin ko po, sila po’y mga menor de edad dahil nakasuot po ng itim na pantalon na parang pang-high school,” sabi ng isang residente.

Tumugon ang mga pulis at tanod pero hindi na nadatnan sa lugar ang mga sangkot na kabataan.

“Mayroon nga po sumabog na pinuntahan naman ng aming tanod tapos ini-report po sa 122. Pinuntahan po ng Police Station 9. Sila na po 'yung nag-imbestiga. Nagtakbuhan na 'yung mga kabataan pagputok,” sabi ni Alex Castro, executive officer ng Barangay Teachers Village West.

Sinabi pa ng isang residente na hindi ito ang unang pagkakataon na nabulabog sila ng pagsabog.

“Few months ago, meron mga paisa-isa tuwing every month. Ngayon po medyo dahil dumadami na. Inabangan na ho talaga ng mga kapitbahay. Nagtulong-tulong na ho lahat para mahuli talaga sa CCTV,” sabi ng residente.

“Dayo po 'yan. Kasi dito sa amin wala pong maraming estudyante rito nagtatambay,” sabi ni Castro.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at bineberipika na rin ang mga impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng mga sangkot na kabataan at kung saan sila nag-aaral. —Jamil Santos/KG GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.