ESPN DeportesBraves saca triunfo de Los Ángeles y va a casa 1-1The Jerusalem PostIllouz to ‘Post’: Netanyahu must pay political price for October 7 - interviewInquirerDay 34 of Duterte trial: Defense resumes AMLC records cross-examDaily MaverickWELLNESS: Should you track your sleep? The pros, cons and realities of sleep trackersBollywood HungamaRam Gopal Varma reacts to Janhvi Kapoor ‘Chuttamalle’ song deepfake row: “The smart thing would have been to concentrate on catching the perpetrator”ESPNRays go up 2-0 in ALDS after Yankees drown in errors한겨레이 대통령 “묵힌 농지, 태양광 사업하면 몇배 소득…일괄 인허가 지원해야”CNN TürkTÜRKİYE UEFA ULUSLAR LİGİ'NDEN ELENDİ Mİ? Türkiye gruptan çıkabilir mi? UEFA Uluslar Ligi’nde son puan durumu!The Straits TimesJail, caning for man caught at Changi Airport with knife inside shoe before flight to IndonesiaZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioSözcüRusya ölü prensleri cepheye gönderiyorХабрПамять, которая сама обрабатывает данные: как устроена LPDDR5X-PIM
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 6, 2026

Ambulansyang rumesponde sa aksidente, sinalpok ng TNVS

Translate

Wasak ang harapang bahagi ng isang kotse matapos ito sumalpok sa ambulansya sa northbound lane ng EDSA-Balintawak sa Quezon City kaninang 3:40 a.m.

Sa lakas ng pagkakabangga, natanggal ang pintuan ng ambulansya ng Barangay Unang Sigaw na may nirespondehang aksidente sa lugar.

May sakay itong 53-anyos na taxi driver na nasugatan matapos mabangga ng motorsiklo.

“Basta’t nakahiga lang ako eh tapos sumalpok na kaya napatayo ako. Masakit yung dibdib ko tapos yung kamay ko tapos yung kanang tuhod,” kuwento ng sugatang taxi driver.

Ayon sa driver ng ambulansya, paalis na sila para dalhin sa ospital ang taxi driver nang mangyari ang aksidente.

“Mabilis po siguro sir kasi yung impact po sa amin talagang ano kaya pumutok yung airbag niya kasi nagulat din kami ang lakas ng pagkakabangga. Talagang yung ulo ko napaganon sa manibela kasi paandar pa lang ako biglang may sumalpok na sa likod ko,” ani Dennis Delos Reyes, ang driver ng ambulansya ng Barangay Unang Sigaw.

Bahagya ring nasugatan sa kamay ang 32-anyos na driver ng kotse na isang TNVS.

Ihahatid niya sa Valenzuela ang sakay na pasahero na galing sa Pasay.

Posible raw nakaidlip siya.

“Doon pa ako nakita ko na ambulansya ewan ko bakit yan. Baka oo ganyan nakaidlip,” sabi ng TNVS driver.

Inilipat ng ambulansya ang sugatang taxi driver para madala sa ospital.

Iniimbestigahan pa ng QCPD Traffic Sector 1 ang aksidente. — BAP GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.