The Jerusalem PostIsrael security forces kill terrorist who kidnapped Noa Argamani on Oct. 7 in weekend strikesCNN TürkKURULTAY HESABI: CHP’deki kampın perde arkasında ne var?PunchLagos traffic fuels creative industry, content consumption — HamzatDaily MaverickWORLD NEWS DAY OP-ED: Journalism and our chaotic world’s future한겨레미·중 정상 “우린 2차대전 동맹…‘역사 밀월’에 당혹스러운 일본InquirerOver 337,000 Central Visayas workers to benefit from P42 wage hikeSözcüDüğün fotoğrafı çekmeye gitti, gözünü hiç bilmediği bir evde açtı: Genç kadına kabusu yaşattılarThe Straits TimesSCDF fire engine stuck in grass patch near HDB block in SengkangRTL BoulevardGevecht tussen Britse boksers Fury en Joshua opnieuw onzeker매일경제'수출 대박' K뷰티 목표가 줄상향 … 엔터·게임株는 찬바람ESPNUSMNT player ratings: Ellis gets 9, Berhalter 10 in Peru routSouth China Morning PostBangkok floods trap residents as PM Anutin cuts UK trip short to tackle crisis
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, September 27, 2026

OPINION: Ask Atty. Gaby: Lalaki, na-trap sa imburnal

Translate

Mga Kapuso, may tanong lang ako sa inyo...Hanggang saan ka kaya dadalhin ng selos mo?

'Wag naman sana sa imburnal gaya nitong isang lalaking pahirapan ang pag-ahon sa isang manhole sa Caliraya Street, Barangay Tatalon, Quezon City.

Ang mga rumesponde, gumamit na ng iba't ibang aparato para maiangat ang takip ng manhole hanggang sa matagumpay siyang naiangat mula sa imburnal.

Ang kuwento raw ng lalaki sa barangay, galing siya sa birthday ng dati niyang kinakasama.

Pero ang kilig, napalitan ng sakit dahil tumalon umano siya mula sa isang tulay patungo sa ilog nang mataranta siya dahil nakita niya diumano ang kaniyang dating kinakasama na may kasamang ibang lalaki.

Ayon sa kapitan ng barangay, duda siya sa kuwento ng lalaki dahil kapag tumalon ka sa San Juan River, dederetso ka na agad sa ilog.

Hindi raw nagpapakakampante ang barangay lalo't sa pag-verify daw nila sa mga pulis, nalaman nilang dati na palang nasangkot sa carnapping ang nasabing lalaki.

Ang insidenteng ‘yan ang ating pag-uusapan. Ask me, ask Atty. Gaby!

Atty., kung dati may pumasok sa imburnal, ito naman na-trap daw dahil tumalon sa ilog. Ano ba ang sinasabi ng batas sa ganitong pangyayari? Sino po ba ang may responsibilidad sa ganitong mga imburnal?

Totoo 'yan! Usually kapag ang pinag-uusapan natin ay mga kaso ukol sa mga manhole, ito ay dahil may nahulog sa isang manhole na bukas kaya't may nahuhulog at nasasaktan, o di kaya, ay kailangang tulungan para maiahon dito.

Kaya't ang diskusyon ay usually para sagutin ang katanungan kung sino ang dapat managot sa mga kasong ito dahil ang mga tao ay hindi dapat nahuhulog sa mga manhole unless merong pagpapabaya sa mga may kontrol at responsibilidad sa pagpapagawa ng mga manhole na ito.

At usually, sinasabi natin na ang LGU ang may responsibilidad para sa public works sa kanilang mga kinasasakupan at may liabilidad sila for damages kung may nasaktan dahil sa kapabayaan nila.

Pero unique ang kasong ito dahil hindi ito kaso ng open manhole na may nahulog! In fact, hirap na hirap nga ang mga awtoridad na mabuksan ang takip ng imburnal dahil saradong sarado at napakabigat nito.

Sa ilalim ng ating batas, hindi naman awtomatikong nangangahulugan na kapag may taong na-trap sa manhole ay liable agad ang gobyerno o ang may-ari nito.

Kailangan pa ring patunayan na may negligence o kapabayaan — halimbawa, kung bukas o sira ang manhole, walang sapat na warning o harang, at alam o dapat alam ng responsible agency na may panganib doon pero hindi ito naaksiyonan.

Kaya't sa sitwasyong ito, ang tanong ay — Paano nga ba siya napunta roon?

So ito ang isang kailangang tandaan. Sa mga ganitong sitwasyon, parating dapat sinusuri ang testimonya ng isang tao. At marami ang dapat tingnan sa mga ganitong kuwento o testimonya.

Una, ang salaysay ba ay tumutugma sa physical o scientific reality? Kung hindi kapani-paniwala o hindi tugma sa realidad, hindi ito dapat bigyan ng halaga, lalo na kung ito ay isang kaso o complaint.

Sa pangyayaring ito, ang sinasabi ng barangay ay mukhang imposible na dinala siya ng agos sa lokasyon na iyon. So kung ito ay isang kaso, ipapakita dapat na base sa flow o agos ng tubig sa ilog, or sa mga layout ng mga drain or imburnal, ang level ng tubig, maipapakita kung nagsisinungaling ba or kapani-paniwala ba ang kuwento ng taong ito.

Pangalawa, kung ito nga ay isang kaso, titingnan at susuriin din ang credibility ng taong nagbibigay ng salaysay. Kung nagdududa na kayo dahil ang salaysay ay hindi sang-ayon sa physical evidence, e di mas lalo na kung may record ang tao na ito na kriminal o sinungaling. Nawawalan siya ng credibility.

So ang aral natin mula sa pangyayaring ito – Hindi dapat maniwala agad sa mga kuwento. Maging mapanuri at tingnan ang ebidensiya. Tumutugma ba ang salaysay sa realidad ng mga bagay? Kung minsan nasa harap na natin ang katotohanan, ayaw pa nating maniwala.

At kung totoo man ang kuwento na ito, walang dahilan kahit na bigong pag-ibig pa ang dapat na humantong pa sa pulutin pa kayo mula sa kangkungan – ay, imburnal pala.

Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.