Inquirer EntertainmentJanella Salvador talks growth, confidence as 2027 calendar girlThe Jerusalem PostKnesset advances bill imposing PM term limits, restricting indicted MKs from forming governmentPunchSGF calls for preventive policing to curb cultiism, othersBollywood HungamaPritam Chakraborty and mother Anuradha Chakraborty sell Mumbai apartment for Rs. 2.30 crores: ReportZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFScreen RantChris Pratt's Way Of The Warrior Kid Couldn't Be More Different From The Terminal ListColliderDisney’s 3-Part ‘Harry Potter’ Replacement Officially Returns in 48 HoursSCMP ChinaA new era of pragmatism? China and Britain look for ways to get alongThe Hollywood Reporter‘The Body’ Star Kristina Bogic Just Wanted to Take Care of Anya: “A Lot of Young Women Can Relate”Digital Spy"Moving" historical drama with Toby Jones based on "intriguing" real story is leaving Netflix very soonGIGAZINEなぜ犯罪組織は「偽造ワイン」を作るのか?偽造手口はどのように進化してきたのか?Malay MailThought it was a boil: Woman’s ‘lump’ turns out to be rare cancer
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 25, 2026

Mike Defensor at Joseph Espiritu, iaapela ang pagtanggi ng Sandiganbayan na makapagpiyansa sila

Translate

Iaapela ng dating kongresista na si Mike Defensor at kapuwa niya akusadong negosyante na si Joseph Espiritu, ang desisyon ng Third Division ng Sandiganbayan na tanggihan ang kanilang petisyon para makapagpiyansa.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, inihayag umano ng abogado ng dalawa na dismayado sila sa desisyon ng anti-graft court kaya aapela sila.

Una rito, naghain ng petisyon para makapagpiyansa sina Defensor at Espiritu, kasama si Senador Rodante Marcoleta, kaugnay ng kinakaharap nilang kasong plunder na nagkakahalaga ng P75 milyon.

Dahil sa desisyon ng anti-graft court, mananatiling nakadetine ang mga akusado habang dinidinig ang kanilang kaso.

Sinabi naman ng kampo ni Marcoleta na pinag-aaralan pa nila kung maghahain din sila ng apela upang baligtarin ang desisyon.

Sinusubukan namang makuhanan ng pahayag si Aristotle Viray, na kabilang din sa mga akusado sa kaso.

Samantala sa isang Facebook post ni Julie Rose Defensor, ikinalungkot nito ang pasya ng Sandiganbayan na huwag payagang magpiyansa ang kaniyang asawa na si Mike.

“Bilang asawa, napakasakit at napakahirap tanggapin ang mga nangyayari. Ang desisyong ito ay hindi katanggap-tanggap. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko maiwasang itanong: Nasaan na ang hustisya sa ating bansa?,” saad niya.

“Si Mike ay hindi nagnakaw sa kaban ng bayan. Hindi siya sangkot sa bilyon-bilyong pisong anomalya sa flood control projects. Ang tanging kasalanan niya ay ang pagkakaroon ng tapang na magsalita at isiwalat ang mga nangyayaring lantarang pagnanakaw sa kaban ng bayan,” dagdag pa ni Julie Rose.

Sa kabila ng pangyayari, sinabi niya na patuloy silang mananalig sa Diyos, maninindigan sa katotohanan, at ipaglalaban ang karapatan ng kaniyang asawa sa makatarungang proseso at hustisya. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.