PunchPolice, DSS, INEC, others meet parties over 2027 election security in PlateauCNN TürkMevduat faizi düşecek, kredi faizi ne olacak?ESPNTransfer rumors, news: Como's Paz destroyed Man United, now they want to sign himInquirerAWOL cop nabbed in Cagayan de Oro drug bustDaily MaverickSA’s R13bn social grant cuts are arbitrary, cruel and economically short-sightedGIGAZINE無料で使えるAI製ターミナル「WorldTUI」が登場、コマンドを実行せずにAIが画面を再現ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFSRF NewsBundesrats-Kandidatur – Graber will – Matter kandidiert nicht – SVP Zug nominiert AeschiThe South AfricanHotazel, Pofadder and Die Hel: the stories behind South Africa’s strangest place names7sur7Le père de Meghan Markle visé par une enquête pour pédopornographie: “Des centaines d’images découvertes”RTL BoulevardKijkers verdeeld over boete voor dronken student in Bureau GroningenWirtualna PolskaZwerbowany haker z GRU wydał Rosjan. Szpiedzy na tropie zięcia Trumpa
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 23, 2026

Misis, binaril at napatay ng kaniyang mister na inireklamo niya tungkol sa sustento

Translate

Patay matapos pagbabarilin habang naglalakad sa bangketa ang isang ginang sa Antipolo, Rizal. Ang suspek, ang mister mismo ng biktima na inireklamo niya kaugnay ng sustento sa kanilang anak.

Sa ulat ng GMA News “Saksi” nitong Huwebes, sinabing nangyari ang krimen kaninang tanghali sa Sumulong Memorial Circle Road na malapit lang sa kapitolyo.

Sa video footage, makikita na naglalakad ang biktima sa bangketa nang barilin siya nang malapitan ng suspek na miyembro ng Provincial Security Group.

Matapos ang krimen, naglakad palayo ang salarin pero naaresto rin siya kalaunan ng mga pulis, at nakuha rin ang baril na pinaniniwalaang ginamit sa krime.

Dead on arrival naman sa ospital ang biktima dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Napag-alaman sa kapatid ng biktima, hiwalay na ang dalawa at galing sila sa pagdinig sa kapitolyo para pag-usapan ang sustento na hinihingi ng ginang para sa mga anak nito.

Nabanggit umano ng biktima na ipatatanggal niya sa trabaho ang suspek kung hindi ito magbibigay ng sustento.

Pagkatapos ng pagdinig, sinundan ng suspek ang biktima at pinagbabaril.

Nakakulong na sa himpilan ng pulisya ang suspek na tumangging magbigay ng pahayag. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.