Patay na sanggol, nakita sa sapa sa QC; 1 sanggol din ang nakita sa loob ng tangke ng inodoro sa Laguna

Isang patay na sanggol ang nakitang palutang-lutang sa isang sapa sa Barangay Kamuning sa Quezon City. Habang isang sanggol din ang nadiskubre sa loob ng tangke ng isang inodoro sa Laguna.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nakakabit pa ang pusod ng lalaking sanggol na sumabit pa sa mga bato nang makita ng isang residente.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Quezon City Police District kung sino ang nag-iwan sa sanggol.
Inaalam din kung buhay o patay na ang sanggol nang itapon sa sapa.
Samantala sa Nagcarlan, Laguna, isa ring bagong silang na sanggol ang na inabandona sa loob ng tangke ng inodoro sa isang kainan ang natagpuan.
Batay sa pulisya, sinikap i-revive ang sanggol pero hindi na naisalba ang buhay nito.
May person of interest na ang mga awtoridad tungkol sa nag-iwan sa sanggol, na ibinigay naman sa social welfare workers ang mga labi upang mailibing. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.