The Jerusalem PostUnited Hatzalah volunteers rescue Torah scrolls from Jerusalem synagogue fireCNN TürkHava Durumu (03-10-2026)Punch[ICYMI] Nollywood film ‘Agbara Nla’ breaks preview record with N71m salesBollywood HungamaSCOOP: Pen Marudhar bags Gunmaaster G9 for Rs. 35 cr+ and Jailer 2 Hindi rights for Rs. 15 cr+ESPN'Big shot Gabby' leads Valkyries past WingsInquirerCloudy skies, rain to prevail in parts of Visayas, Mindanao on Saturday, Oct. 3ZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioSky TG24San Francesco d’Assisi moriva 800 anni fa, attori che l’hanno interpretato tra cinema e tvEgypt IndependentPolice and high school students clash across France in protests over underfunded educationSözcüMalatya'da tefeci çetesine şafak baskını!TagesschauUS-Medienberichte: Flydubai-Co-Pilot galt zuvor als SicherheitsrisikoDaily MailRICHARD KAY: After hate-filled violent protests across France, why children as young as 14 are burning down their schools and attacking teachers
The Daily Newsstand · Free, Always
Saturday, October 3, 2026

OPINION: Ask Atty. Gaby: Usapang sustento

Translate

Sa mga laging updated sa mga latest chika, for sure relate na relate kayo rito. Usap-usapan na naman kasi sa mundo ng showbiz ang issue ng sustento.

Marami tuloy naglalabasang kuwento at komento ng mga netizen tungkol sa usapin na 'yan.

Masarap maki-chika pero hindi biro ang topic na ‘yan. Kaya naman, ask me, ask Atty. Gaby!

Atty., ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa sustento? Puwede nga bang itigil ito kung walang komunikasyon o hindi na nakikita ang anak?

Ano ba ang support o sustento? Sa ilalim ng batas natin, ito ang lahat ng kailangan para mabuhay – pagkain, tirahan, kasuotan, edukasyon at transportasyon.

Lahat ng ito – at take note – sa ilalim ng Article 194 ng Family Code, ito ay in keeping with the financial capacity of the family – although generally, hindi naman dapat kasama ang luho dito.

Ano ba ang general characteristics of support?

Una, ito ay mandatory. Kailangang magbigay ng suporta kung ito ay kasama sa mga relasyon na nakalagay sa batas.

So may obligasyon ng magbigay ng suporta ang mga sumusunod:

- ang mga mag-asawa

- mga ascendants and descendants. Ibig sabihin, ang mga magulang at anak, mga mag-lolo at lola at ang kanilang mga apo, at mga mag-apo sa tuhod and so on.

At whether legitimate o illegitimate ang bata, may karapatan ito na masuportahan ng kanyang nanay at tatay, lolo at lola.

-mga magkakapatid.

At dahil ito ay mandatory, 'pag hindi ito ibinibigay, maaari siyang i-require. Ibig sabihin, maaaring magpunta sa korte at mag-file ng action para humingi ng support o sustento. At uusad ang kasong 'yan.

In fact, maaaring magkaroon ng judgment ang korte na kaltasan ang sahod ng taong obligadong magbigay ng sustento at i-remit ito directly sa dapat bigyan nito.

Pangalawa, ang support o sustento ay reciprocal. Ibig sabihin, hindi lamang ang anak ang puwedeng humingi ng suporta sa magulang. Puwede rin the other way around. 'Pag kinakailangan, o pagdating ng panahon, ang magulang naman ang puwedeng humingi ng suporta sa anak. Hindi ito one-way relationship lamang.

Pangatlo, ang sustento o support ay variable and proportional. Depende ito sa pangangailangan at sa kakayahan ng magbibigay. So 'pag hihingi kayo ng sustento, kailangang ipaliwanag kung bakit at para saan. Hindi puwedeng “I need a million pesos this month” ng walang explanation.

Dapat nakalagay halimbawa, kung magkano ang gastos pang-tuition, pang-renta, pambili ng gamot, etc.

Hindi rin puwedeng mag-demand at mag-expect ng P1 million a month kung P100,000 a month lang ang total suweldo ng taong hiningian nito at wala siyang ibang property.

Kung ano lamang ang kayang ibigay ang puwedeng hingin. At ano lang ang kailangan, 'yun lang ang dapat hingin.

So usually, hindi naman issue ang pagbigay ng support kung ang pamilya ay buo at masaya. Typical na pamilya – nagtatrabaho ang mga magulang, naka-enroll ang mga bata, binabayaran ang tuition, nagsho-shopping para sa mga damit at sapatos from time to time.

Usually, nagkakaroon ng issue – na hindi dapat maging issue – kung naghiwalay na ang mag-asawa or hindi kasal ang nanay o tatay ng isang bata, or hindi nagsasama, may ibang pamilya na pala.

Puwede nga bang itigil ito kung walang komunikasyon o hindi na nakikita ang anak?

Actually, hindi. 'Yung karapatan ng bata na makatanggap ng supporta ay karapatan ng bata. Hindi ito karapatan na dumedepende kung nag-aaway ba o hindi magkasundo o hindi nag-uusap ang kanyang nanay o tatay. Hiwalay ang relasyon ng mga magulang sa relasyon ng isang magulang at ang kanyang anak na dapat niyang suportahan.

Kung ayaw ipakita ang bata sa inyo, ang inyong remedy ay mag-file ng kaso for custody o visitation rights.

Hindi katanggap-tanggap ang attitude ng ibang tao na magkakaroon ng isang anak, pero tatalikuran at kalilimutan ito once nailuwal na at lumalaki na ang bata. Obligasyon ninyong suportahan ang inyong anak hanggang sa kanyang paglaki.

Usually, sinasabi na ang karapatan na mabigyan ng tamang obligasyon na magbigay ng suporta ay nasasabing "the most sacred of all obligations." Akuin ninyo ang inyong responsibilidad at panindigan ito.

Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.