Daily MaverickWatch – Jensen Huang’s Return Puts NVIDIA Back in FocusThe Jerusalem PostPresident Herzog honors outstanding immigrants for contributions to societyInquirer2 students injured in stabbing incident in Caloocan elementary schoolInquirer EntertainmentKatrina Anne Johnson ranks second in Miss International 2026 frontrunners listPunchFG begins N1.45tn ports upgrade, targets 20,000 jobsBusiness AMPolen wil dat NAVO Russische raketten al boven Oekraïne onderschept voordat ze NAVO-luchtruim bereikenZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioWirtualna PolskaŚwięczkowski nagle pojawił się w PE. "Goni nas czas. Musimy dzisiaj wrócić do Polski"Rai NewsPomeriggio 24 - Puntata del 25/11/2026CNN بالعربية“شعرنا بموجة الصدمة“.. شاهد لحظة تفجير نحو 5 أطنان من مواد كيميائية في آيوا7sur7La santé financière des hôpitaux belges reste très précaireBBC SportStockdale returns as Ireland make two changes
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 25, 2026

2 estudyente, sugatan sa pananaksak sa loob ng isang eskuwelahan sa Caloocan

Translate

Dalawang estudyanteng menor de edad ang nasugatan sa insidente ng pananaksak na naganap sa Kalayaan Elementary School sa Caloocan City ngayong Miyerkules, ayon sa Schools Division Office (SDO) ng lungsod.

Sa pahayag na inilabas sa Facebook ng Caloocan SDO, sinabing tatlong mag-aaral ang sangkot sa insidente. Dalawa sa mga ito ang sugatan, habang ang isa pa ang itinuturong nanaksak.

Sinabi ng SDO na agad na kumilos ang pamunuan ng paaralan at nakipag-ugnayan sa mga awtoridad, gayundin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Naabisuhan na rin umano ang mga magulang ng mga estudyanteng sangkot sa insidente. Ipinatupad na rin ang mga kinakailangang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, dagdag ng SDO.

Sinabi ng Caloocan SDO na mahigpit itong nakikipag-ugnayan sa paaralan. Naglaan na rin umano ng psychosocial first aid, support services, at paunang lunas para sa mga apektadong estudyante.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng DSWD na nagtalaga ito ng mga social worker upang magbigay ng tulong medikal at psychosocial assistance sa dalawang biktima.

Ayon sa DSWD, batay sa mga ulat, sinaksak ng isang 11-anyos na Grade 6 student ang dalawa niyang kapuwa mag-aaral — isang 11-anyos na babaeng Grade 6 student at isang siyam na taong gulang na Grade 3 student.

Kasalukuyang nagpapagamot sa ospital ang dalawang biktima, ayon sa DSWD.

“Upon receiving the report, agad pong kumilos ang DSWD Field Office NCR upang matiyak na mabibigyan ng kaukulang tulong ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya,” ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Dumlao.

Ipinasa naman ang estudyanteng sangkot sa insidente sa Caloocan City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa kaukulang interbensiyon at pagsusuri.

Hiniling ng lokal na SDO sa publiko na maging maingat at responsable sa pagpo-post tungkol sa insidente.

“We appeal to the public to exercise caution and responsibility when sharing information. We urge everyone to refrain from circulating unverified reports and to remove any posts, photographs, or videos that may identify the minors involved,” ayon sa SDO.

Nanawagan din ang SDO sa publiko na pangalagaan ang dignidad, privacy, at karapatan ng mga bata sa due process. Iwasan din umano ang maagang paghuhusga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“We encourage everyone to remain calm, vigilant, and cooperative as this matter is addressed through the proper channels,” dagdag nito.

Sa mga nakalipas na mga buwan, napansin ang pagdami ng karahasan sa mga paaralan, kabilang ang sunod-sunod na insidente ng pamamaril at pananaksak na kinasangkutan ng mga estudyante.

Tatlong insidente ng pamamaril sa paaralan ang naitala mula Hunyo hanggang Setyembre, na naganap sa Tacloban, Zamboanga, at South Cotabato.

Tatlong estudyante ang nasawi sa Tacloban, dalawa sa Zamboanga, at tatlo sa South Cotabato.

Dahil dito, nangako ang pamahalaan na paiigtingin ang mga hakbang upang maiwasan ang karahasan sa mga paaralan.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.