[EDITORIAL] Post-Lustre arrest: Decriminalize libel and cyber libel

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
![[EDITORIAL] Post-Lustre arrest: Decriminalize libel and cyber libel](https://www.rappler.com/tachyon/2026/10/animated-Oct-26-2026-CYBER-LIBEL-copy.jpg)
Emil Mercado
Hindi na ito policy debate, this is crucial for the survival of Philippine democracy
Nitong Sabado, inaresto si Philip Lustre Jr., isang beteranong mamamahayag at may akda ng Kill, Kill, Kill: Extrajudicial Killings in the Philippines.
Diin sa salitang Sabado — dahil palatandaan ito ng harassment — lalo na kung ang pag-aresto ay nakatali sa malayong korte tulad ng Davao City. Halimbawa, kung inaresto ka ng gabi ng Biyernes, Sabado, o Linggo, kahit pa may naka-duty na judge sa isang night court, malaki ang probability na ilang gabi kang matutulog sa kulungan, lalo na kung hahagilapin o ire-request mo pa sa ibang ahensiya o barangay ang required papers.
Maraming red flag na weaponization ng batas ang pag-aresto kay Lustre.
First red flag: Ginamit ang paboritong batas ng mga bully: ang cyber libel law. Ito rin ang ginamit laban kay Maria Ressa at Reynaldo Santos ng Rappler.
Nito lang nakaraang linggo, nag-file ng cyber libel complaint ang kapatid ni Bise Presidente Sara Duterte, si Davao Congressman Paolo Duterte, laban sa mga opisyal, staff, at reporter ng GMA 7. Inihain ang complaint dahil sa istoryang inilabas ng network tungkol sa graft case ng magkapatid na may kinalaman sa whistleblower na si Rodulfo Gracioso Jr.
Second red flag: Secret warrant. Walang notification ng complaint mula sa prosecutor, at lightning arrest ang nangyari. Under normal procedure, inaabisuhan ang aarestuhin, at may right of reply ang subject ng complaint.
Third red flag: Unknown case filed by an unknown complainant. Ang tanging alam ng kampo ni Lustre ay ang korte at hukom na naglabas ng arrest warrant — si Davao City Judge Retrina Fuentes.
Si Fuentes ang siya ring judge na naglabas ng warrant noong 2022 laban kay Walden Bello, isang academic at dating congressman, dahil sa umano’y cyber libel na nagmula sa reklamo ni Jefry Tupas, long time aide ng Bise Presidente.
Classic intimidation tactic ito ng media — kahit bailable ang kaso mo, ipatitikim ng complainant sa ’yo ang pait na makulong kahit isang gabi lang.
Kapag nasisilayan ng liwanag ng investigative journalism ang korupsiyon at pang-aabuso ng kapangyarihan, madalas ginagamit ang batas na punyal ng personal na vendetta, imbes na kalasag para sa pangangalaga ng publiko.
Desperado ba ang mga Duterte na agawin ang naratibo lalo ngayong tila hindi pumapabor sa Bise Presidente ang daloy ng paglilitis sa impeachment trial niya?
Nagshi-shift na ba ang mga anak ni Rodrigo Duterte mula sa victimhood narrative sa paborito ng ama nilang fear tactics?
Matagal nang panawagan ng Rappler ang decriminalization of libel.
Noong 2012, nanindigan ang Rappler na ang criminalized libel at cyber libel ay banta sa free speech at press freedom. Lalo nang pinatunayan ‘yan ng kasaysayan.
Decriminalize libel and cyberlibel. Hindi na ito policy debate, this is crucial for the survival of Philippine democracy.
Habang pinapayagan ng batas na ikulong ng estado at ng makapangyarihang mga pulitiko ang mga mamamahayag — laging nanganganib ang press freedom sa Pilipinas.
Mula sa drug war killings ni Rodrigo Duterte, ang mga mansion ni dating speaker Martin Romualdez sa ibang bansa, hanggang sa pandarambong ng elected officials sa flood control corruption — lahat ‘yan ay nabunyag sa pamamagitan ng media.
Let media continue shining the light. Decriminalize libel and cyber libel. – Rappler.com
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.