וואלהמתקפת כטב"ם גרמה נזק למתקן תעשייתי ברוסיהInquirerEasterlies to affect N. Luzon; localized thunderstorms to prevail over PHThe Jerusalem PostTrusting your audience: What NAZA could learn from Fauda's latest season - editorialESPN DeportesDodgers vence a Reds y asegura boleto a playoffs igualando récordESPN⭐ Taylor Swift, Tom Cruise share suite at ArrowheadBollywood HungamaDelhi HC dismisses Vimal Elaichi maker’s plea against FDA notices to Shah Rukh Khan, Ajay Devgn, Tiger Shroff한겨레10대 중국인 제주공항 교신 몰래 청취…폰엔 공항 사진 수십장TRT HaberKafkas İslam Ordusu için yazıldı: LalelerSözcüAltında fiyatlarında kritik nokta: Gözler yarına çevrildiCNN TürkGalatasaray, Barcelona maçı öncesi stadyum zeminini yeniliyorالشرقLong Neptune.. صاروخ كروز أوكراني يستهدف أسطول البحر الأسود الروسيHong Kong Free PressPolice arrest man after multiple people wounded in China knife attack
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, September 15, 2026

Truck driver na nakasagasa ng babaeng rider, arestado

Translate

Driver ng truck na nakapatay noon sa isang babaeng rider sa Mel Lopez Boulevard sa Maynila, hawak na ng pulisya matapos masilbihan ng warrant of arrest.

Makalipas ang mahigit dalawang buwan, tuluyan nang napasakamay ng pulisya ang lalaki matapos siyang mahuli sa isang bahay sa Malate, Maynila kahapon ng tanghali.

Ang nasabing lalaki ay ang truck driver na itinurong naka hit and run sa 26 anyos na si Neri Joy Matias sa bahagi ng Mel Lopez Boulevard sa Maynila hantinggabi ng July 6, 2026.

Matatandaan na hindi agad natukoy noon ang pagkakakilanlan ng driver ng truck dahil sa walang mga CCTV na nakahagip sa insidente.

Dahil dito, napilitang mag post noon sa social media ang mga kaanak ni Neri Joy hanggang sa isang motorcycle rider ang lumapit sa pamilya at nagsilbing witness.

Siya raw ang nakakita sa kulay berdeng truck na nakasagasa sa biktima na naging dahilan para matukoy kung sino ang driver.

"Ang problema lang kasi noon, <<noong umaksyon na ang pulis>> yung reglementary period na 18 hours, hindi na sakop so ang ginawa, pinrisinta na lang, sumuko yung tao pero bagamat, nagfile pa rin tayo ng kaso," ayon kay Police Lt. Col. Norman Patnaan, MPD-9 station commander.

"Ngayon sinerve namin yung warrant, na inisyu ng Manila Regional Trial Court branch 11," dagdag niya.

Ayon kay Patnaan, ang kaso ay reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Ayon naman sa kaanak ni Neri Joy, mula sa isang milyong piso, pumayag silang makipag areglo na noon sa employer ng lalaki sa halagang 450,000 pesos.

"Ang huling huling usap namin para sa settlement yung huling huli na doon sa city hall na oo daw makikipag settlement sila tapos pagdating namin dun, ano daw, lalaban na lang daw pala sila sa kaso," ayon sa kaanak ni Neri Joy.

"Sa side naman po namin kaya kami pumayag sa settlement kasi ayaw na po namin siya makita, kasi po kada nakikita po namin siya bumabalik lang po yung sakit samin eh," dagdag niya.

Ayon sa akusado, hindi niya intensyong masagasaan ang biktima.

Iginiit din niya na kusa siyang sumuko noon sa mga awtoridad matapos malaman na siya pala ang nakasagasa kay Neri Joy.

"Pasensya na lang po, hindi ko naman po kagustuhan yun eh. Nasa kalsada po ang hanapbuhay ko," sabi ng akusado.

"Sino bang gustong pumatay ng tao, managasa ng tao sa kalsada," dagdag niya.

"wala naman po kong intensyong managasa ng tao."

Pero base sa imbestigasyon noon ng Vehicular Traffic Investigation Section ng MPD, dati na rin naharap sa kaparehong kaso ang akusado.

Mananatili siya sa kustodiya ng Malate Police Station habang hinihintay ang commitment order ng korte.

Ngunit posible rin umano siyang pansamantalang makalaya sa oras na makapag piyansa siya base sa inirekomendang bail ng korte na nasa 60,000 pesos.

Sinusubukan pa makuha ng GMA News ang panig ng employer ng akusado. — BAP GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.