ESPN DeportesPumas no resiste y Puebla consigue el empateZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioSportstarIndia vs UAE, Hong Kong Sixes LIVE score: Khalid Shah, Anhs Tandon give UAE flying start; UAE 85/0 (4)SDP EspectáculosEl antes y después de Inés Gómez Mont tras cinco años alejada de las cámarasSoompiLee Sang Yi To Reunite With Ahn Eun Jin Through Cameo In “A Love Other Than Yours”الشرقواشنطن توافق على بيع 500 صاروخ "باتريوت" لأوكرانيا.. والتسليم بعد سنواتNew Straits TimesMelaka polls: 3,452 policemen to be deployed on polling dayTimes of India EntertainmentMichael Douglas reveals Catherine Zeta-Jones’ ultimatum about affairs before accepting actor's proposal中国新闻网解锁新材料的“转化密码” 探访浙江桐乡乌镇实验室Globo EsporteJoinville anuncia ex-zagueiro histórico do clube como novo diretor de futebolThe South African‘The water bills are more than this amount’: Pensioner opens up about her SASSA grantLa NaciónNewman, el equipo casi perfecto, debió remontar, quebró a Alumni con un try discutible y es finalista
The Daily Newsstand · Free, Always
Saturday, October 31, 2026

Jay Costura, may nakita umanong mga 'espiritu' na pagala-gala sa set ng 'i-Listen'

Translate

Habang kinakapanayam ni Kara David si Jay Costura sa podcast na “i-Listen,” may kakaibang paghinga na narinig sa kanilang pag-uusap. Ang kilalang psychic, may nakita rin umanong mga espiritu na pagala-gala sa set.

“I feel the aura of a woman. She's crying actually. And she's telling me na she works here. Nagtrabaho daw siya dito before,” sabi ni Jay, na nakita umano niya ang babae nang mag-CR siya.

“Minsan kasi ‘pag nakikita mo sila, hindi ‘yan buo. Mga ganiyan lang. Minsan nakatagilid. Ganyan. Hindi sila buo,” paliwanag ni Jay.

Ngunit sa pagpapatuloy ng interview, may narinig na “Ahhh” na tila paghinga habang nagsasalita si Jay.

Inilarawan ni Jay ang kaniyang nakita.

“Tapos akala mo nakalipad sila. Pero ‘yung dito (paanan) niya kasi, hindi mo makikita. Kaya feeling mo nakalutang sila, pati ‘yung dito (braso), minsan,” saad niya.

Tinanong naman ni Kara kung nasaan ang mga “bata” umano na nakita rin ni Jay sa set.

“Kanina, they are playful eh. Minsan, saglit lang 'yan sila. Sobrang saglit lang 'yan sila. Hindi naman 'yan sila talagang laging nandiyan. It's ‘pag magpaparamdam sila na, ‘We're here,’” anang psychic.

Ayon kay Jay, paraan ito ng pag-“welcome” ng mga bata sa opisina kung saan ginaganap ang taping ng podcast.

Gayunman, may binanggit si Jay na may naramdaman siyang mabigat na aura.

“It's something to do with a dark aura talaga. Lalaki naman siya. Hindi ko masyadong ma-identify kung siya ba ay sinauna or isang naaksidente sa labas. Pero parang ‘yung aura ng guy is mabigat eh,” dagdag ni Jay.

Tunghayan ang buong panayam kung paano nagsimula si Jay bilang isang psychic, at paano niya hinaharap ang mga pangungutya sa kaniya ng ibang tao.

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.