The Jerusalem PostHunger increasing in Yemen, record number of people unable to meet food needs, WFP warnsBollywood HungamaAyushmann Khurrana starrer Udta Teer postponed to October 23PunchHow pensioners can apply for PTAD’s health insurance schemeESPNNHL Tonight: Capitals face Hurricanes in a critical early-season clashESPN DeportesRaphinha no tiene lesión y jugaría vs Real Madrid y PSGRTP DesportoVitória frente à Dinamarca elogiada nos jornais internacionaisInquirerMarcos: Children’s health is focus of gov’t feeding programDaily MaverickFixture reveal brings Africa’s second men’s Cricket World Cup into closer focusVarietyCBS News Taps Steven Baker, Former ‘Nightline’ Producer, to Boost ‘Mornings,’ ‘Evening News’ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFCBS NewsWatch Live: N.Y. governor, AG discuss investigation into Cornell alleged rape caseDW EnglishCan there be solar for all, everywhere by 2030?
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 2, 2026

7 katao, patay matapos ang 'gas poisoning' sa illegal mining tunnel sa Benguet

Translate

Pito katao ang napaulat na namatay matapos ang hinihinalang insidente ng gas poisoning sa loob ng isang mining tunnel sa Itogon, Benguet, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nitong Biyernes.

Sinabi ni MDRRMO head Engr. Cyril Batcagan na mga minero umano ang pitong biktima na namatay matapos maipon ang nakalalasong gas sa loob ng tunnel.

“Ito po ‘yung nabalita na mga pitong tao na namatay sa gas poisoning sa loob ng tunnel,” sabi ni Batcagan sa Super Radyo dzBB sa isang panayam.

Bagama't wala pang linaw ang eksaktong sanhi ng insidente, sinabi niyang maaaring naipon ang gas sa loob ng tunnel dahil sa mahinang bentilasyon.

Natuklasan ang insidente makaraang bigong bumalik ang pitong minero, na nag-udyok sa ibang mga manggagawa na pumasok sa tunnel at silipin sila.

Ayon sa MDRRMO, ang mga biktima ay napaulat na nagmimina ng ginto.

Babala: Sensitibong Balita

7 katao, iniulat na nasawi dahil sa posibleng ‘gas leak’ sa isang mining tunnel sa Itogon, Benguet, ayon kay Engr. Cyril Batcagan, Itogon, Benguet Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head. pic.twitter.com/c1rgmOhTgo

— DZBB Super Radyo (@dzbb) October 2, 2026

Sinabi ni Batcagan na walang alam ang lokal na pamahalaan tungkol sa aktibidad ng pagmimina sa nasabing tunnel. Inilarawan niya ang operasyon bilang ilegal na small-scale mining.

Nakuha at natukoy na ang mga bangkay ng lahat ng pitong biktima, at naibalik na sa kani-kanilang mga komunidad.

Sinabi ni Batcagan na inaasahang tatalakayin ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang kaugnay ng tunnel kabilang ang posibleng pagsasara nito. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.