ESPN DeportesPachuca muestra su pegada y golea al AtlanteESPNTwins' Buxton to have hip surgery, done for seasonוואלהסעודיה: הופעלה התרעה מוקדמת בשארוורהSouth China Morning PostChina targets ‘toxic’ traffic as viral sensations upend daily life and public services경향신문[끊는 사람들④] 중독된 딸에 중독된 엄마Wirtualna Polska"Upokarzające". Były dowódca US Army w Europie o polityce TrumpaBusiness AMBusiness AM Sudoku’s 12-09-2026Screen RantDC Explains Rules For Brand New Kryptonite Introduced To Superman LoreHong Kong Free PressMacau to hold closed-door trial in first national security case against democratالشرقA Bit of Light.. دراما إيرانية تنافس على الأسد الذهبي بمهرجان فينيسيا中国新闻网“东北超”半决赛(首回合):沈阳队胜长春队Daily MailLady Gaga, 40, secretly welcomes first child with fiancé Michael Polansky... after months-long disappearance
The Daily Newsstand · Free, Always
Saturday, September 12, 2026

Mga kawatang nagpapakilalang namimigay ng ayuda, nambibiktima ng senior citizens

Translate

Natangayan ng pera at alahas ang ilang senior citizens matapos silang makipag-usapan sa mga suspek na nagpakilalang mga tauhan ng gobyerno at mamimigay daw ng ayuda. Ang insidente, magkakahiway na nangyari sa Cebu at sa Aklan.

Sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GMA News Feed, mapanonood na nakipagkamay ang dalawang lalaki na mistulang matagal na nilang kakilala ang nilapitan nilang senior citizen sa Talisay City, Cebu.

Ang 77-anyos na si Santiago Padillo, ikinuwentong nagpakilala ang dalawang lalaki na tauhan sila ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) at namimigay sila ng P6,000 na ayuda.

Ngunit may masamang plano pala ang dalawa.

“Pagdating nila, ‘Pinsan! Matagal na tayong ‘di nagkita, pinsan!’ Nakipagkamay siya. Sa tingin ko, doon niya nilagay ang gayuma sa kaniyang kamay,” sabi ni Padillo.

Hanggang sa pinapasok na ng biktima ang mga suspek sa kaniyang bahay, kung saan siya kunwaring chineck-up ng mga ito.

Sa isa pang kuha ng CCTV, mapanonood ang dalawang lalaki na tumatakbo na nakangiti pa.

Natangay na pala nila ang kuwintas ni Padillo na nagkakahalaga ng P60,000, pati ang wallet ng matanda na may P600 pera.

Itinanggi ng OSCA na tauhan nila ang dalawang lalaki, at wala ring katotohanang namimigay sila ng ayuda.

Kinumpirma ng pulisya ang modus, at nakilala na rin ng mga awtoridad ang isa sa dalawang suspek.

“Kahit anong miyembro ng ahensiya ng goyberno na gagawa ng assessment o survey, ang unang gagawin ng tao is tingnan ang identification card kung talagang taga-gobyerno ba sila, o suot ba nila ang agency prescribed uniform, ‘yung uniporme ng kanilang ahensiya,” paalala ni Lieutenant Colonel Homobuno Romero Sayon, hepe ng Talisay City Police Station.

Sa Ibajay, Aklan naman, isa pang senior citizen ang nabiktima, kung saan nakunan sa video ang isang 88-anyos na biktima sa tapat ng bahay.

Maya-maya, dumaan ang isang babaeng nagpakilalang taga-DSWD at namimigay umano ng P10,000 financial assistance, ngunit kailangan muna nila ng Senior Citizen ID.

Nagsabi rin ang babae na makikigamit siya ng palikuran kaya siya pinapasok ng matanda.

Hanggang sa dumating ang dalawa pang kasamahan ng babae at nakigamit din sila ng palikuran.

Pagkaalis ng grupo, napansin na lang ng biktima na nawawala na ang isang sobreng itinago niya sa kuwarto, na may lamang P15,000 at 140 Euros.

Sinubukan umano ng parehong grupo na mambiktima sa Kalibo, ngunit napigilan sila ng apo ng sumunod nilang target.

Agad nagpa-blotter ang pamilya ng senior citizen, habang tinutugis na ng pulisya ang mga suspek. – FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.