InquirerLightning kills construction worker in Zamboanga del SurCNN TürkTarihte bir ilk: Harvard’ın ilk Türk dekanı olduPunchFG, Niger Basin Authority push for faster water projectsThe Jerusalem PostHind Rajab Foundation asks ICC to investigate Israeli doctors over alleged Sde Teiman tortureZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFRapplerWhen history comes to life again through a fiction novelSözcüYapay zekâ deprem için nokta atışı konum verdi: En tehlikeli fay burasıymışDeadlineDeadline’s Contenders Film: London Kicks Off With A Dozen Buzzy Awards-Season MoviesBusiness AMChina bouwt zoveel nieuwe gevechtsvliegtuigen dat ze een probleem vormen voor de Amerikaanse luchtmachtRTL BoulevardBomen onder het ijs: waren de Alpen vroeger warmer dan nu?NMEThe Chemical Brothers, Ellie Goulding, Adéla lead latest wave of line-up for Open’er 2027매일경제“중학생 딸한테 말랑이 줄게, 앱 깔아”…학교 앞 은행원 이색 영업 논란
The Daily Newsstand · Free, Always
Saturday, October 10, 2026

Social media ban sa mga wala pang 18-anyos, makabubuti o makasasama?

Translate

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang “social media ban” sa mga menor de edad o wala pang 18-anyos. Ayon sa panukalang batas, pagbabawalan ang mga menor de edad sa pag-access ng online platforms, kabilang ang paggamit at pagkakaroon ng social media. Ano nga ba ang epekto nito sa mga kabataan? Alamin.

Sa programang Unang Hirit ng GMA nitong Biyernes, ipinaliwanag ng physician at Integrative Psychologist na si Dr. Pauline Quimson na hindi masama “per se” ang social media, kundi depende ito sa paggamit.

Ilan sa mga mabubuting dulot ng social media ang paggamit nito sa pag-aaral at para makipag-connect sa mga kaibigan o mahal sa buhay.

“Pero kung gagamitin mo, mag-scroll ka, tapos hindi safe 'yung mga taong kausap mo, nakukumpara mo na iba sa mga perfect na buhay nila, o kaya may mga impluwensiya na negative na nababasa mo, maaaring makapag-cause ng anxiety at depression sa mga bata,” sabi ni Quimson.

Noong panahon na wala pang social media, naglalaro pa ang mga bata sa mga kalye, nagkikita tayo sa mga handaan, o sama-samang kumakain, punto ng duktora.

Ngunit pagdating ng COVID-19, natuto ang mga bata na mag-online at tumutok sa kanilang mga gadget o computer. Kung kaya naman magiging hamon ang bigyan sila ng mga alternatibong paraan ng libangan.

Ayon kay Quimson, mahalaga na may boundaries ang mga bata sa paggamit ng social media.

“Ibig sabihin, hindi napakatagal na panahon kasi maaaring 'yung bata, hindi na siya marunong. mag-disconnect doon sa mga gadget, mga pinapanood, at naniniwala na siya kahit mali 'yung napapanood niya,” paliwanag niya.

Dagdag pa ng psychologist, mahalagang muling matuto ang mga bata na makipag-usap “in person,” paano makipag-uganayan sa mga magulang at mga taong nasa harap niya.

“Kasi yun ang napansin ko sa mga bata ngayon, they don't know how to look each other in the eyes na. Alam lang nila sa gadget,” puna niya.

Ipinunto rin ni Quimson na mahalaga ang parental control o mabantayan ang ginagawa ng isang bata, sino ang kinakausap niya at ligtas bang kausap ang tao o mga modelo na ginagaya niya.

Kung kaya naman mahalaga ang pagbabantay at paglalaan ng panahon para sa mga anak.

“Kasi kung hindi natin tatanungin, hindi rin natin mamamonitor, minsan 'yung mga bata, confused sila. Sino ba ang susundan ko? Sino ba ang totoo? Alin ba 'yung tama? Alin ang mali? As parents, as grandparents, mga nakakatanda, tayo pa rin ang kailangan gumabay at tumulong sa kanilang maintindihan,” ayon kay Quimson.

Ipinaalala ni Quimson na mahalagang maging kumportable ang bata na ikuwento nang hindi nakatatanggap ng panghuhusga ang anomang nakita niya gaya ng nakakatakot na pangyayari, o hindi safe na person.

“Kung merong open communication, 'yung bata will feel safe to come home and talk about it,” sabi niya.

Hinikayat ni Quimson ang paghihilom ng relasyon sa pamilya.

Kaya payo niya sa mga magulang na sabihin sa kanilang mga anak: “Anak, gusto kong malaman mo na kung ano man ang nangyayari sa'yo, andito ako para makinig sa'yo, tanggapin ka, mahalin ka. At parati mong puwedeng sabihin sa akin, at sama-sama tayong matuto, ano bang mga paraan? Labas tayo, magkuwentuhan tayo, maglakad tayo sa nature, magsayaw tayo, kumanta tayo, magkita-kita tayo.”

Sinabi niyang kung nakikita ng mga bata na hindi nakikipagkonekta o nagse-cellphone habang kumakain ang mga magulang, “they will copy what we're doing, not what we're saying.”

Para kay Quimson, ang buhay ay “harmony and balance.”

Hindi natin gustong paglabanin ang isa't isa, kundi magbuklod-buklod tayo at humanap ng paraan na magtulungan. Anong makakatulong sa ating kabataan? Anong makakatulong sa ating pamilya? Instead of just ‘ban’ or ‘no ban,’ how can we help the children and our families to communicate well, to connect well, na maramdaman na okay tayo, no matter what we're going through, puwede tayong mag-usap, puwede tayong mag-connect,” payo niya.

Tunghayan sa video ang buong talakayan sa usapin.– FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.