ESPN DeportesSilver: Viajes en helicóptero de LeBron, apropiadosThe Jerusalem PostIsrael Police says 143 draft evaders were released as IDF failed to meet detention deadlinesESPNNearly $1 million in trading cards stolen from FedEx truck in CaliforniaDaily MaverickNo excuses — Mantashe must apologise for crude, politically sexist remarks on sexual exploitationInquirerVargas files ‘Basura to Ayuda’ billZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioE! OnlineBow Down to Kate Middleton’s Tiara Moment With Prince WilliamNHK 社会【動画】Pickup NEWS(10月21日)The Hollywood Reporter‘Heated Rivalry’ Goes All In on Physical Media Including Special Edition Blu-Ray and DVDسكاي نيوز عربيةمن صدمة البداية إلى رباعية الانتصار.. ليفربول يقهر فياريالCollider5 Years Later, an NCIS Fan-Favorite Is Officially BackABC NewsSpaceX revenue soars 161% as AI business grows
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 20, 2026

Mga buto at bungo ng tao na natagpuan sa isang isla, nagpapalit ng puwesto kahit walang gumagalaw?

Translate

Tagos hanggang buto ang kilabot na nararamdaman ng mga taga-Salcedo, Eastern Samar sa natuklasang tambak ng mga buto ng tao at nakahilerang mga bungo sa nakamamanghang Sisi Island. Ang mga kalansay, lumilipat pa umano ng lugar at binabantayan ng “berdeng nilalang.”

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” sinabing sagana noon sa maliliit na lamang dagat na tila talaba na kung tawagin ay “sisi” sa naturang isla, kaya ito pinangalanang Sisi Island.

Ngunit takot na umano ang nararamdaman ng ibang bumibisita sa isla dahil sa natagpuang tambak ng mga buto ng tao at nakahilerang mga bungo. Ilan pa sa mga bungo ang nagbabago umano ang puwesto kahit wala namang gumagalaw.

Kuwento ng mga tagapagbantay, may mga kakaibang nilalang umanong gumagala sa naturang lugar na berde ang kulay.

“Mga taong maliit lang. Pero ang kulay niya, kulay green. Mga hanggang dibdib ko lang ang tangkad niya,” sabi ni Jimmy Pabilando, caretaker ng isla.

Matatagpuan ang Sisi Island ilang kilometro ang layo mula sa bayan ng Salcedo. Isa itong private property na pagmamay-ari ng pamilya nina Emerita Abris kaya hindi ito basta-basta mapapasok.

Ayon kay Emerita, ang lupa ang kaniyang naging parte bilang bunso sa pamilya.

“Kailangan talaga, ang isuot mo na is dark color. ‘Yung kapatid ko, mahilig 'yan ng puti. Minsan bumisita sila dito. Tapos, nu'ng pagkatapos nila bumisita dito, ayun, nagkasakit siya,” sabi niya.

Ilang metro ang layo mula sa dalampasigan, agad bumungad ang dalawang kuweba.

Sa hindi kalayuan, may isa pang matatagpuang yungib, kung saan naroon ang ilang piraso ng buto ng tao. Pagkarating sa ikaapat na kuweba, makikita na ang tambak ng mga buto ng tao.

Sa panlimang kuweba, doon naman nakita ang mga nakahilerang bungo.

Sa ika-anim na kuweba matatagpuan ang mga butong may hiwaga umano, dahil may sariling buhay na nagpapalipat-lipat ng puwesto.

Ang apat na dekada nang caretaker ng Sisi Island na si Alejandro Pabilando,

“Minsan ‘pag dumarating kami galing sa pamamalaot, nakikita namin mula sa dagat na siya ay naglalakad patungo roon nang mag-isa,” ani Alejandro.

Ayon sa kaniya, hindi ito tao, kundi ibang nilalang.

“Kahit ako ay na natutulog, siya naman ay dumaan lang,” sabi ni Jimmy.

Hinala nina Emerita, posibleng mga buto ito ng mga sinaunang tao sa Salcedo.

“Noong araw pa, wala pa daw sementeryo. Ginagawa daw ng mga tao, kung madali na silang mamatay, hinahatid daw dito ng kamag-anak or sila mismo [sasakay] sila ng bangka, medyo may sakit na. Dito na lang sila nag-i-stay hanggang sa mamatay na lang sila,” sabi niya.

Tunghayan sa KMJS ang paliwanag ng isang local historian kung sino ang nagmamay-ari sa mga misteryoso umanong buto at bungo, at ang planong pagsusuri ng isang archeologist sa mga ito. Panoorin ang buong kuwento. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.