The Jerusalem PostTrump says US seeing 'strong inclination' to end Russia's war in UkrainePunchWIMAFRICA seeks greater economic power for African womenInquirerValencia City allots P140M as it gears up vs. El Niño한겨레박정하 “국힘 장외투쟁, 올공서 치던 북 광화문에서 치는 것뿐…진영 연대해야”ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFCNN Türk10 KASIM RESMİ TATİL Mİ? 10 Kasım'da Okullar Tatil Mi? 10 Kasım Hangi Güne Denk Geliyor? 10 Kasım Atatürk'ü Anma Günü Yarım Gün Mü?매일경제분기 최대 실적 NHN “내년 4조원 규모 정부 데이터센터사업 참여 목표”中国新闻网直播:国家发改委就增进民生福祉有关情况举行新闻发布会경향신문“파도 소리 들으며 해변을 걸어요”···14일 양양 설악해변 일원서 ‘몽돌소리길 걷기’ 행사 개최BBC NewsRepublican congressman to force impeachment vote on Defence Secretary HegsethThe Sydney Morning HeraldLiberals preference One Nation ahead of LaborSDP EspectáculosMaría Vargas viaja a Puerto Rico para conquistar la corona que ganó Fátima Bosch
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 10, 2026

2.1% economic growth sa 3rd quarter ng 2026, pinakamahina umano mula noong 1st quarter ng 2021 na may pandemic

Translate

Nagtapos sa mas mababang antas ang financial market ng bansa nitong Lunes, kasabay ng pagbaba ng benchmark stock index at paghina ng piso laban sa dolyar. Ang mga namumuhunan, sinusuri ang datos na nagpapakitang mas mabagal kaysa inaasahan ang naging paglago ng ekonomiya.

Bumaba ng 25.5 sentimos ang halaga ng piso at nagsara sa P63.31 kada dolyar, mula sa P63.055 kada dolyar noong nakaraang Biyernes. Ito na ang ikatlong sunod na araw ng paghina muli ng piso.

“The US dollar/peso exchange rate corrected higher… after softer-than-expected local GDP growth at 2.1%,” pahayag ni Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort sa isang mobile message.

Naitala sa 2.1% ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng taon. Ito ang pinakamabagal na paglago mula nang makaranas ng 3.8% contraction o pag-urong ang ekonomiya noong unang quarter ng 2021 na kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Inaasahan ni Ricafort na maglalaro ang halaga ng piso sa pagitan ng P63.20 at P62.45 kada dolyar sa Martes, Nobyembre 10, habang nasa P62.75 hanggang P63.00 ang susunod na support level nito.

Nagtala rin ng pagbaba ang local stock market. Bumagsak ng 84.03 puntos o 1.46% ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) sa 5,677.92. Samantala, bumaba naman ng 34.79 puntos o 1.08% ang mas malawak na All Shares index sa 3,183.52.

Umabot sa mahigit 822.337 milyong shares na nagkakahalaga ng P5.978 bilyon ang naipagpalit sa merkado.

Mas marami ang mga stock na bumaba ang halaga kaysa sa mga tumaas sa bilang na 100 laban sa 74. Habang 69 na stocks naman ang hindi nagbago ang halaga. –FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.