CNN TürkHava Durumu (30-10-2026)ESPN🏀 The 100 best players in men's college basketball right nowPunchNiMet predicts three-day thunderstorms, dust hazeInquirerDHSUD turns over 190 housing units for disaster-hit families in IlocosThe Jerusalem PostIDF prepares to demolish homes of terrorists who killed two Israeli soldiers in Hebron attackESPN DeportesKarim López debuta en el triunfo de GrizzliesZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFBusiness AMBelgië telt 80.000 managementvennootschappen, maar andere schattingen lopen op tot 150.000, en wat is nu eigenlijk de definitie van een ‘managementvennootschap’?Vanguard10 phones with biggest battery specs in NigeriaSeeking AlphaOSI Systems forecasts fiscal 2027 non-GAAP EPS of $11.28 to $11.64 while reaffirming revenue of $1.875B to $1.930Bکیهان لندنسرمقاله؛ تداوم سرکوب با توهمِ تأخیر در سقوطAntara NewsCamino de Flores promotes Ende cultural heritage preservation: BPOLBF
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 30, 2026

Driver ng kotse na nahuli-cam na may kinakaladkad na motorsiklo, pinagpapaliwanag ng LTO

Translate

Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa driver at rehistradong may-ari ng kotse na nahuli-cam sa Quezon City na umaarangkada habang may nakakalsong motorsiklo sa harapan ng sasakyan.

Sa isang pahayag ng LTO nitong Huwebes, sinabing suspendido ng 90-araw ang lisensiya ng sangkot na driver at inilagay sa alarma ang kotse.

Batay umano sa ulat ng pulisya, dakong 4:00 pm noong Oktubre 27, 2026, nang magkabanggaan ang kotse at motorsiklo sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue. Nahulog mula sa kaniyang sasakyan ang rider at nakaladkad ng kotse ang motorsiklo nito.

Napahinto lang umano ang kotse nang harangan ng isa pang motorista.

Sa isinagawang beripikasyon ng LTO, natuklasan na paso na umano ang rehistro ng kotse mula pa noong Hulyo 2024.

Batay sa SCO, inatasan ang driver at rehistradong may-ari ng kotse na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office, East Avenue, Quezon City, sa Nobyembre 3, 2026.

Inatasan din silang magsumite ng sinumpaang komento o paliwanag sa nangyaring insidente. Ipinapasumite rin sa kanila ang mga orihinal na kailangang dokumento.

Inimbitahan din ng LTO ang rider ng motorsiklong sangkot sa insidente na humarap sa IID sa parehong araw at oras para makuha ang panig nito sa gagawing pagdinig.

Inatasan din siyang dalhin ang mga kaukulang orihinal na dokumento upang makatulong sa paglilinaw ng mga pangyayari kaugnay ng insidente.

“Hindi natin kukunsintihin ang agresibo at mapanganib na pag-uugali sa kalsada. Hindi lugar ang kalsada para maglabas ng galit o gumanti sa kapwa motorista dahil buhay at kaligtasan ng ibang road users ang maaaring malagay sa panganib,” ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus Lacanilao. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.