ESPN DeportesGamero, técnico de la Sub-17, cree que "tensión" provocó derrotaThe Jerusalem PostSyria fears imminent Israeli-backed Druze offensive in Sweida, official tells 'Post'ESPNNWSL: San Diego Wave stay No. 1, Angel City keep risingRTP DesportoRonaldo assumiu por telefone a Proença falta de "condições anímicas" para ficarDaily MaverickLOCAL ELECTIONS 2026: ANC abandons plan to name mayoral candidates amid fears of supporter backlashFootball ItaliaMoggi: ‘Juventus lack a coach, the team didn’t play at all against Lazio’ZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioGlobal NewsJudge reserves decision on fate of Saskatchewan Mountie killer’s truckLa PresseMétro de Montréal | La STM va remplacer une soixantaine d’escaliers mécaniques7sur7Un opposant rwandais retrouvé décapité en OugandaSDP Espectáculos¿Cómo sigue Laura Bozzo? Aarón Guerrero habla de su estado de saludRMF24Ofiary śmiertelne ulew na wybrzeżu Hiszpanii. Groźne zjawisko DANA
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, October 19, 2026

Mga estudyanteng nagkaklase sa mga 'lata' school building sa Dagupan City, Pangasinan, babantayan sa epekto ng Super El Niño

Translate

Dahil sa inaasahang epekto ng mainit na panahon sa pagtama ng Super El Niño, masusing babantayan ng mga awtoridad ang mga mag-aaral na gumagamit ng mga iron-clad school building o ‘lata’ building sa Dagupan City, Pangasinan.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing ipinatayo ang mga naturang “lata” building sa ilang paaralan sa lungsod sa pamamagitan ng public-private partnership.

“It is made of lata. Kung El Nino, mainit talaga yung building na ‘yan. Magkakaron tayo ng dagdag na mga electric fan para hindi masyadong mainitan yung mga learner natin,” ayon kay Dr. Vladimir Parayno, DRRM Coordinator, Schools Division Office, Dagupan City.

Ang lata building sa Federico N. Ceralde Integrated School sa Dagupan, mahigit isang dekada na at mayroon itong dalawang palapag at apat na silid-aralan.

Dadagdagan pa ang electric fan sa bawat silid para maibsan ang init na idudulot ng Super El Niño.

Ayon kay Maria Romina Carreon, DRRM Coordinator, FNC Integrated School, hindi pa rin maiwasan ang init sa silid-aralan sa lata building kahit bukas na ang mga bintana at pinto.

“Kapag doon ka sa loob na ‘yon para kang nabi-bake,” sabi ni Carreon, na isa ring nurse.

Ayon kay Carreon, may mga estuyante na siyang inalalayan matapos mahilo dahil sa matinding init ng panahon.

Mga Grade 12 students ang kabilang sa mga gumagamit ng lata building. Ilan sa kanila, nagsabing sobra silang pinagpapawisan dahil sa init. Gayunman, “tolerable” pa naman daw sa ngayon ang init at nakakatulong ang malalaking electric fan para maginhawahan sila.

Kasama naman sa paghahanda ang pamunuan ng paaralan ang ilipat ang mga mag-aaral sa ibang gusali kung kailangan, sakaling mas tumindi pa ang init na epekto ng Super El Niño.— FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.