Utol ni Carlos Yulo na si Karl Eldrew, panalo ng bronze medal sa men's horizontal bar sa Asian Games

May ambag na isang bronze medal para sa Pilipinas ang kapatid ni Carlos Yulo na si Karl Eldrew Yulo, matapos na pumangatlo sa men’s horizontal bar finals sa 2026 Asian Games sa Japan nitong Biyernes.
Nakapagtala si Karl Eldrew ng iskor na 13.666 na 5.0 mula sa difficulty at 8.566 in execution, at 0.1 bonus point.
Bago nito, nakuha ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Carlos ang ikalawa nitong gold medal para sa Pilipinas nang maghari sa men’s vault final.
Mayroon na ngayong dalawang gintong medalya ang Pilipinas na parehong galing kay Carlos, bukod pa sa isang silver at limang bronze sa nagpapatuloy na Asian Games.—FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.