Punch2027: Gbajabiamila, Jibrin defend Tinubu’s economic reformsThe Jerusalem PostTerrorist who shot at Montreal Jewish school sentenced to 66 months in prison for 2023 attackSky TG24L'Europa punta ad ottenere autonomia e sovranità tecnologicaInquirerDefense witness admits being ‘partner in name’ at accounting firm20 MinutenHegseth unter Druck: Diese Vorwürfe belasten ihnZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioVarietyPhil Rosenthal’s ‘Somebody Feeds Phil’ Flies to YouTube From Netflix, With Lift From UnitedThe Hollywood ReporterInstagram Gathers Young Hollywood for A Night at NobuFootball ItaliaInter’s Thuram renewal talks off to a slow start as Oaktree wage policy bitesThe RegisterRansomware threat blares from Vanderbilt University computers during cyberattackWirtualna PolskaTajemniczy napis na szafce zamachowca. Trop prowadzi do masakry w USARMF24„Pierwsza od lat publikacja”. Tusk ogłasza początek nowej ery w TK
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 10, 2026

Ama na 24 na taong nawala, tanggapin pa kaya ng pamilya matapos na makitang sa bangketa lang siya nakatira?

Translate

Mula nang biglang mawala ang kanilang padre de pamilya na si Nando, mag-isang itinaguyod ni Nanay Nieva ang apat nilang anak, at nakaranas sila ng matinding hirap sa buhay. Pagkaraan ng 24 na taon, natagpuan ng mga anak na malalaki na ngayon ang kanilang ama na sa bangketa nakatira at nangangalakal ng basura. Magawa kaya nilang patawarin ang kanilang ama at tanggapin muli sa kanilang buhay? Alamin.

Sa nakaraang episode ng “Good News,” ikinuwento ni Dianne, panganay sa magkakapatid, na Grade 5 lang siya noon nang iwan sila ng kanilang ama. Habang ang bunso naman nilang si Daisy, tatlong buwang gulang lang noon, at isang-taon-gulang ang nag-iisang anak na lalaki na si Dexter.

Ang isa pa nilang kapatid na si Danica na sumunod kay Dianne, nagtatrabaho na ngayon sa Taiwan at tumutulong sa pangangailangan na ng kanilang ina.

Sa Cavite lumaki ang magkakapatid, at bilang panganay, si Dianne ang may malinaw na alaala tungkol sa kanilang ama.

Ayon kay Dianne, maasikaso naman noon ang kanilang ama at inihahatid sila sa eskuwelahan. Pero noong 2002, nagbago ang kanilang buhay nang biglang maglaho na parang bula si Tatay Nando.

Kuwento naman ni Dexter, noong panahon na tinatanong niya kung nasaan ang kaniyang ama, ang lagi lang sagot ng kaniyang ina ay umaalis na ang kanilang papa.

Mula noon, mag-isa nang itinagutod ni Nanay Nieva ang apat nilang anak.

Ayon kay Nieva, naging masaya naman ang simula ng kanilang pagsasama ni Nando. Pero nalulong sa masamang bisyo ang kaniyang kabiyak hanggang sa nawala na.

Hindi naging madali ang lahat kay Nieva upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mga anak. Tumanggap siya ng mga labada at naging on call na kasambahay.

“Namamalismos ako sa mga kapatid ko, nanghihingi ako. Tapos dumating sa point na yung pagkain namin na isang pirasong itlog, hahatiin ko, ihahalo ko sa kanin magkasya lang sa amin,” balik-tanaw niya.

Dahil sa pinagdaanan nilang hirap sa buhay, nagkaroon ng sama ng loob ang magkapapatid sa kanilang nawalang ama.

Mula naman nang magkaroon ng sariling pamilya si Dianne, sa Paranaque na siya tumira, ang lugar kung saan din dating namamasada noon ang kaniyang ama.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ng asawa ni Dianne si Tatay Nando na palaboy-laboy at natutulog sa bangketa sa Paranaque.

Ayon kay Dianne, hindi siya kaagad nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan at magpakita sa ama. Aminado siya na may nararamdaman pa ring siyang galit at takot.

Gayunman, nandoon pa rin ang awa nang malaman ang sitwasyon ngayon ng kaniyang ama.

“Masakit, siyempre tatay mo yon eh. Nakakakain ka ng tatlong beses isang araw tapos yung tatay mo parang palaboy,” saad niya.

Dahil isa na rin siyang magulang ngayon, sinabi ni Dianne na marunong na siyang umunawa at magpatawad. Kaya noong Oktubre, nagpasya siyang hanapin at harapin na ang ama.

“Kasi kailan pa natin siya hahanapin, [kung] huli na yung lahat?,” sabi niya.

Hindi naman nabigo si Dianne sa paghahanap dahil nakita niya ang ama na nakapuwesto sa isang bangketa. Noong una, hindi siya nakilala ng ama nang lapitan niya ito at magtanong.

Pero ilang saglit lang, binanggit na ni Tatay Nando ang pangalan ng kaniyang panganay na anak na si Dianne.

Agad na lumapit si Nando sa anak at niyakap. Kasunod nito, inilahad niya kung bakit siya nawala sa loob ng 24 na taon.

Ayon kay Nando, nalulong siya sa bisyo nang mabarkada. Nasangkot din siya sa kasong carnapping at nakulong ng 12 taon.

Nang makalaya noong panahon ng pandemic, hindi na niya nagawang hanapin ang pamilya at umuwi dahil sa hiya at takot.

Kaya nagpasya siyang maging palaboy na lang hanggang sa natutunang kumita sa pangangalakal ng mga mapapakibangang basura.

Dahil sa awa sa kalagayan ng kanilang ama, kinausap ni Dianne ang kaniyang ina at mga kapatid at ipinaalam ang kalagayan ngayon ng kanilang padre de pamilya. Umaasa siyang mapapatawad ng mga ito ang kanilang ama.

Sina Dexter at Daisy, dama pa rin ang sama ng loob sa kanilang ama. Pero sa huli, pumayag silang puntahan at alamin ang kalagayan ng kanilang ama.

Tunghayan ang video ang madamdaming pagkikita ng mag-aama. Kung mapatawad din nina Deltex at Daisy si Tatay Nando, paano naman kaya ang kalooban ni Nanay Nieva? Panoorin ang buong kuwento sa video at kapulutan ng araw tungkol sa pagbibigay ng second chance. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.