ESPNOregon's threads for USC trip headline best uniforms of Week 4Daily Maverick20-day blackout: Power back on at Joburg child welfare hub despite Gauteng’s R159m debtInquirerMarcos lauds South Korean aid in rebuilding Eastern Samar hospitalRTP DesportoOs sonhos e motivações que levam atletas olímpicos a conquistar medalhasThe Jerusalem PostJoni Lamb, late Daystar co-founder, named Israel's top Christian ally for 2026ESPN DeportesRaphinha explica cómo Flick le cambió la vida: "Me iba a ir del Barcelona"BillboardDylan Gossett on Expanding His Troubadour Sound With New Album, Touring with Mumford & Sons and ‘Trying To Make The Best Songs Possible’Vanguard2027: Obi demand issue-based campaign, says he’ll never abuse TinubuBBC عربيمجلس الأمن يدين هجمات الحوثيين على الرياض، ومفتي السعودية يحث على "الرباط والجهاد" ضد جماعة أنصار الله
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, September 25, 2026

Binatilyong dumalaw sa kaniyang gf, ginulpi ng 'di bababa sa 10 kabataan sa Cebu City

Translate

Selos ang hinihinalang dahilan sa ginawang pagkuyog ng nasa 12 kabataang lalaki sa isang 17-anyos na binatilyong dumalaw lang sa kaniyang nobya sa Cebu City.

Sa ulat ni Alan Domingo sa GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente noong hatinggabi ng Linggo sa Barangay Cogon Pardo.

Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang biktima na nakaupo sa gilid ng daanan nang dumating ang grupo ng mga kabataang lalaki at tila pinaligiran siya.

Kinausap muna ng grupo ang biktima pero hindi nagtagal ay pinagsusuntok na ang binatilyo at may sumipa pa.

Natigil lang sa pag-atake ang grupo nang may residenteng lumabas para sitahin sila sa ginagawang pananakit sa biktima.

Nai-report na sa barangay ang insidente at pinatatawag ang mga kabataang nanakit sa biktima.

Napag-alaman na residente sa ibang kugar ang binatilyo at dumayo lang sa barangay kung saan nangyari ang insidente para bisitahin ang kaniyang nobya. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.