Daily MaverickWHAT WE’RE WATCHING: Al Wat Ek Weet — a local film’s heartfelt message about adolescent mental healthInquirerDOE seeks solutions as weaker peso may hike electricity ratesESPN DeportesEN VIVO: Hay drama, Rays iguala y amenaza con dos en baseThe Jerusalem PostPolice, emergency services searching for people, vehicles trapped in southern Israel floodsESPNFollow live: Pratt crushes homer in extras, Brewers on the brink of becoming world championsالنهارالشخص المناسب في التوقيت الخاطئ... حين لا يكفي الحبّ وحدهCapital FMVictims Compensation Panel Sets Nov 14 Deadline for ClaimsCNN TürkFenerbahçe Tarfin, deplasmanda Valencia Basket’e mağlup olduZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioSouth China Morning PostCan India turn wartime ammo sales into lasting European defence ties?Malay MailMalaysia expects billions in petrol subsidy savings — here’s where the money will goPremium TimesDangote Refinery makes history as IPO attracts investors from 120 countries, all 54 African nations
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, October 28, 2026

4 na lalaking sakay sa kotse na patay sa pamamaril sa Maguindanao del Sur, magkakamag-anak

Translate

Nakilala na ang apat na lalaking sakay sa kotse na nasawi matapos silang pagbabarilin sa Maguindanao del Sur. Aalamin ngayon ng mga awtoridad kung katransaksyon ng mga biktima ang mga salarin.

Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, tinadtad ng bala ang sasakyan ng mga biktima sa Barangay Tulunan nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa pulisya, magkakamag-anak ang mga biktima na pawang residente ng President Quirino sa Sultan Kudarat.

Lumalabas sa imbestigason ng pulisya na mablis na tumakas ang mga salarin matapos nilang ratratin ng bala ang mga biktima.

Pinaniniwalaan na mga nakatransakasyon ng mga biktima sa bentahan ng lupa ang nasa likod ng krimen.

“Sa ngayon, isa sa tinitingnan is may transaction sila doon sa area about sa pagbili ng lupa. Pero isa lang ‘yon sa tinitingnan natin,” ayon kay Police Captain Steffi Salanguit, Spokesperson, PNP-PRO-BAR

“And ‘yung mga bangkay naman ng mga victim ay nakuha na ng kanilang pamilya kasi ito sila coming from one family lang,”dagdag niya.

Nagsasagawa umano ng hot pursuit operation ang kapulisan laban sa mga suspek.

Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang mga kaanak ng biktima, ayon sa ulat.– FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.