The Jerusalem PostYemen accuses Iran, Hezbollah of sending 21 military 'experts' to support HouthisInquirerCebu archbishop: Budget insertions raise moral, accountability concernsZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioComplete SportsEPL: Aina Missing As Nottingham Forest Edge Manchester CityFootball ItaliaSerie A | Roma 3-0 Sassuolo: Aquilani comfortably swept asideCollider8 Actors With the Most Iconic Voices of All TimeRai NewsSerie A, Roma-Sassuolo 3-0: giallorossi secondi a un punto dalla vettaESPN DeportesLista la Arena CDMX para Nuggets vs PacersNHK 社会【動画】Pickup NEWS(11月8日)BBC NewsCan New Zealand's new government win over disillusioned voters?Channel News AsiaThe Alfa Romeo he never forgot: One Singapore collector’s lifelong passion for classic carsDW EnglishAt least 6 killed in shooting in Polish city of Krakow
The Daily Newsstand · Free, Always
Saturday, November 7, 2026

Babae, sugatan nang pagtatagain ng kapitbahay na kinukutya niya umano sa Malabon

Translate

Nagtamo ng mga sugat ang isang babae matapos siyang pagtatagain ng kaniyang kapitbahay na paulit-ulit niyang kinukutya umano sa Barangay Potrero, Malabon. Ang krimen, nasaksihan ng 3-anyos na pamangkin ng biktima.

Batay sa ulat ni Gabriel Gonzales ng GMA News sa Super Radyo dzBB, sinabing naganap ang brutal na pananaga ng suspek sa biktima, na nakunan pa sa CCTV sa Doña Juana Street.

Kalaunan, napasubsob na lamang ang biktima at nagsigawan ang mga residente.

Agad namang humingi ang mga residente ng tulong sa pulisya para madakip ang salarin.

Babala: Sensitibong Balita Isang babae, sugatan sa pananaga sa Malabon City. | via Gabriel Gonzales, @gmanews https://t.co/4SnWaLVaWa

— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 7, 2026

Positibong kinilala ng asawa ng biktima ang salarin. Narekober ang ginamit niyang butcher knife, na may bakas pa ng dugo ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon na dati na umanong may hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang salarin, na isang miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community.

Dati magkaibigan ang biktima at ang salarin ngunit nagalit umano ang salarin sa biktima. Ayon sa salarin, paulit-ulit siyang kinukutya ng biktima.

Sinampahanan na ang salarin ng reklamong frustrated murder.

Desidido rin ang pamilya ng biktima na magsampa ng mga kasong grave threats at child abuse laban sa suspek, na hindi naman nagpapakita ng pagsisisi sa ginawa nito.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang biktima.

Hiniling ng pamilya ng biktima sa publiko na ihinto na ang hindi awtorisadong pagpapakalat ng CCTV footage ng insidente.

Pinaigting pa ng pulisya ang police visibility sa iba’t ibang parte ng lungsod. —Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.