ESPN DeportesAtlas sorprende a Chivas y toma la ventajaESPNWWE Money in the Bank results: Penta, Tiffany Stratton win chaotic ladder matchesThe Jerusalem PostPentagon updates official count of US service members killed during Iran war - reportPunchPDP rallies supporters in Kwara한겨레비서울 중 ‘유일’ 농민수당 없는 대전, 내년부터 50만원 준다InquirerIlocos Norte first province to surpass 90% HPV vaccination targetZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFNew Straits Times'I don't feel fear': Fulham boss Arbeloa hits back as pressure mountsThe Sydney Morning HeraldWallabies knew what was coming at Eden Park, but were powerless to stop itNOSJustitie Amerika onderzoekt tv-zenders na protest tegen uitsluiting journalistenEl ComercioKábala, sorteo EN VIVO: mira aquí los resultados de hoy, sábado 10 de octubreDaily MailMeghan set for British TV return later this month... on a tiny Freeview channel
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, October 11, 2026

1 lola at kaniyang 2 apo, patay sa landslide sa Cebu City

Translate

Nasawi ang isang lola at dalawa niyang apo matapos magka-landslide sa Barangay Pulangbato, Cebu City. Batay sa barangay, isa sa posibleng dahilan ng landslide ang crack sa bundok dulot ng lindol noong nakaraang taon.

Sa ulat ni Fe Marie Dumaboc ng GMA Regional TV sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing matinding pagluluksa ang nararamdaman ng mga naiwang pamilya ng mga biktima, kabilang ang isang ina ng isa sa mga pumanaw, at nag-iisang survivor ng nasabing landslide.

Labis ang paghihinagpis ng mag-asawang Andamon matapos masawi ang kanilang limang taong gulang na anak.

Nakitang patay ang kaniyang anak na si Kayden, at inang si Judith. Nasawi naman sa ospital ang pamangkin na si Xian Kyrie. Parehong 5-anyos ang nasawing batang magpinsan.

Samantala, nakalabas na ng pagamutan si Julie Pearl matapos magtamo ng mga galos at pasa sa paa.

Ayon sa kaniya, nanananghalian sila nang maganap ang landslide.

Nang madaganan umano silang apat ng nasirang bahay, mga gumuhong lupa at bato, nadama pa niya ang anak at pamangkin na nagpupumiglas sa ilalim at narinig pa ang sigaw ng kaniyang ina.

Nasa trabaho umano ang lolo ng mga biktima nang maganap ang landslide.

Sinabi ng kapitan ng barangay na isa sa mga tinitingnan nilang dahilan ng landslide ang crack umano na namataan sa ibabaw ng bundok na maaaring dulot ng Magnitude 6.5 na lindol noong Setyembre 2025.

Nasa 75 pamilya o mahigit 200 indibiduwal na mga residente ang pinalikas at pansamantalang nakatira sa gym at daycare center.

Nagpaabot na ng mga inisyal na tulong ang LGU at ibang ahensiya ng gobyerno.

Inisyal na nag-inspect ang Mines and Geosciences Bureau sa lugar at ibinawal munang bumalik sa lugar ang mga pamilyang pinalikas sa loob ng isang buwan lalo’t may mga nararanasan pang pagguho at minsang paglakas ng ulan. — Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.