The Jerusalem PostEthiopian-Eritrean fighting raises fears of wider war as Egypt builds Red Sea alliance - analysisESPN DeportesLaLiga: Se suspendió Rayo-Athletic: ¿qué pasó?ESPN'We're not really here': As Man City sanctions loom, it's the fans who sufferPunchLa Liga: Rayo match against Bilbao abandoned after fan protestsInquirerPalace to Mans Carpio: Pray to ‘true God’ truth comes outInquirer EntertainmentEmma Tiglao to Miss Grand International candidates: ‘Be competitive, but be kind’ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFVanguardThree Nigerian sisters who drowned in UK sea took own lives – Inquest Rules20 Minuten«Absoluter Wahnsinn»: Schweizer Kart-Wunderkind (5) wird gesperrtFootball ItaliaFabregas: ‘Respect for Gasperini, Arteta strength paid off at Arsenal’SportstarISL LIVE SCORE — FC Goa vs Chennaiyin FC updates, Indian Super League 2026-27Business AMEU importeert recordhoeveelheid Russisch lng ondanks belofte om afhankelijkheid af te bouwen
The Daily Newsstand · Free, Always
Saturday, October 10, 2026

Lalaki, huli sa pagnanakaw ng halos P2M halaga ng gadgets sa photo studio sa Mandaluyong

Translate

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos siyang magnakaw umano ng halos P2 milyon halaga ng kamera, studio lights at iba pang photography equipment sa isang photo studio sa Barangay Bagong Silang, Mandaluyong.

Sa ulat ni Vonne Aquino sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing dinakip ang lalaki ng pulisya sa loob mismo ng kaniyang bahay Biyernes ng gabi.

Batay sa Mandaluyong Police, dumaan sa creek ang suspek papunta sa studio at pinuntirya umano ang grills ng bintana noong Oktubre 8.

“Natanggal talaga, inangat nila ‘yung isang portion at doon siya pumasok,” sabi ni Police Colonel Reynan Patam, Chief of Police ng Mandaluyong City.

Kalaunan, natuklasan ng biktima ang pagnanakaw tanghali ng Oktubre 8 at agad siyang nagsumbong sa pulisya.

“Nahalata ko 'yung bintana nasira. Sabi ko, ‘Ano kaya nangyari dito? May mga nawawalang bag.’ Nu’ng nakita ko nawawala 'yung bag, naku, sabi ko, yari. So, nu’ng chineck ko 'yung CCTV ng studio, nakita ko nga na may pumasok at saka, ‘yun, na-discover ko na lahat ang mga kinuha niya,” sabi ng biktima.

Batay sa backtracking ng pulisya sa mga kuha ng CCTV, mapanonood ang suspek malapit sa creek at ang paglalakad niya sa kalsada habang may bitbit na bag na may lamang kaniyang mga tinangay, ayon sa pulisya.

Saka sumakay ng tricycle ang suspek at bumaba sa lugar kung saan natukoy ng pulisya ang kaniyang kinaroonan.

“Ang ating suspect ay natunton natin ang exact na bahay niya at doon din na-recover ang mga items na natira pa,” sabi ni Patam.

Umamin ang suspek na winasak niya ang isang camera upang ibenta sa junk shop sa halagang P350.

Para sa biktima, hindi matatawaran ang halaga ng camera dahil bukod sa vintage ito, may sentimental value.

Nabawi sa suspek ang siyam sa 16 na nawawalang gamit.

Kalalabas lang po kasi ng anak ko sa ospital. Hindi ko po akalain na aabot sa ganito. Kaya ko lang po nagawa lahat ‘yun dahil sa anak ko. Kailangan ko ng pera talaga. Humihingi nga po ako ng tawad sa kaniya,” sabi ng suspek.

“Kung hindi natin kakasuhan, makalaya lang rin eh. Gagawin at gagawin ulit,” anang biktima.

Ayon sa pulisya, nakulong na ang suspek noong 2013 matapos ma-convict sa kasong illegal possession of firearms sa Baliwag, Bulacan.

Nahaharap siya ngayon sa reklamong robbery. — Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.