Grade 9 student na kritikal matapos ang pamamaril sa Banga Nat'l HS, bumubuti na ang lagay

Bumubuti na ang kalagayan ng isang Grade 9 student na nabaril sa ulo matapos ang pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato, ayon sa South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, sinabing conscious at responsive na ang estudyante matapos maging kritikal ang kaniyang kondisyon dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.
Sumailalim sa operasyon ang biktima, na idinadaing ang malabo niyang paningin.
Patuloy na inaalam ng PDRRMO sa iba pang mga pangangailangan ng Grade 9 student.
Siniguro nilang sasagutin ng pamahalaan ang gastusin sa pagpapagamot at pagpapagaling ng estudyante.
Tatlong mag-aaral ang nasawi--kasama ang shooter na nagbaril sa sarili-- sa naturang insidente at walong iba pa ang nasugatan. –Jamil Santos/NB GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.