InquirerBarbers, Abante: Lower conviction threshold can’t be ‘weaponized’ESPN DeportesCowboys reconocen urgencia de vencer a CommandersThe Jerusalem PostPentagon's US-Iran war fatality accounting may be inaccurate - reportESPN🏀 Experts debate Enes Kanter Freedom's WNBA bidוואלהתושב מזרח ירושלים נעצר בחשד לרצח; גופת אישה אותרה במהלך החיפושים אחר נעדרתVariety‘MobLand’ Season 2 Proves the Show Just Wouldn’t Work Without Tom Hardyالشرقتقرير يشكك في الحصيلة الرسمية لقتلى أميركا بحرب إيران.. وهيجسيث ينفيRai NewsGroenlandia, Trump annuncia l'intesa: "Controllo permanente su difesa e sicurezza"Quem'American Hostage': elenco de série sobre história real de famoso sequestro detalha tensão e bastidoresE! OnlineFrankie Muniz Details Hitting “Rock Bottom” Weeks After Divorce NewsBBC MundoTrump anuncia un acuerdo con Dinamarca por el que EE.UU. asumirá el "control permanente de la seguridad" de GroenlandiaCBS NewsPentagon releases UFO files with documents on secretive military program
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, September 18, 2026

Golden Retriever na sobrang 'friendly,' gustong makipaglaro kahit sa lalaking 'akyat-bahay'

Translate

Karaniwang iniiwan ang mga aso sa bahay para magbantay nang hindi makasalisi ang mga kawatan. Pero iba ang naging kuwento sa isang golden retriever sa San Diego, California, na sa halip na tahulan ang lalaking pumasok sa kanilang bahay, tila inaya pa niya ito na makipaglaro sa kaniya.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabing wala sa bahay ang furdad ni Nash na si Dante Rowley at kaniyang fiancée nang mangyari ang insidente.

Pero nakikita nila ang mga nangyayari sa bahay dahil sa inilagay nilang mga surveillance camera.

Sa video post sa Facebook ni Rowley, makikita na umakyat sa bakod ang suspek at nagawang makapasok sa loob ng bahay sa pamamagitan ng hagdan.

Sa loob ng bahay, nakita ni Nash ang lalaki pero sa halip na tahulan, winagwag niya ang kaniyang buntot, at ilang beses na kumuha ng laruang stuffed toy na kaniyang kagat-kagat na tila inaaya ang “akyat bahay” na makipaglaro sa kaniya.

"Our dog tried to play with him," natatawang sabi Rowley, batay sa ulat ng Los Angeles Times. "He's super friendly."

Pero hindi naman nakipaglaro ang lalaki sa aso.

Ayon kay Rowley, natulog sandali ang kawatan at kumuha ng pagkain mula sa refrigerator. Gayunman, mukhang wala naman umanong mahalagang bagay na kinuha ang lalaki mula sa bahay.

Inalerto rin nina Rowley ang mga pulis na kaagad na nagtungo sa kaniyang bahay.

Nang dumating ang mga pulis, tila nakakita ng panibagong pagkakataon si Nash na may makakalaro dahil malugod din niyang sinalubong ang mga ito sa pinto, habang kagat-kagat din ang kaniyang laruan.

Ang mga pulis naman na hawak na ang mga baril, maingat na inalalayan si Nash habang hinahanap ang lalaki sa loob ng bahay.

Nahuli ang lalaki sa labas ng bahay.

"We were just concerned about the dog, really," ani Rowley. "We were just really happy that the dog was safe afterward." — ulat mula sa Agence France-Presse/FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.