וואלהצה"ל החל בתרגיל פתע לפיקוד העורף ואט"ל ברחבי הארץPunchConstitution amendment: States get 30-day deadlineThe Jerusalem PostMahsa Amini's legacy, four years after her murder by Iran's morality police - editorialInquirerMarcos: Work progress on Metro Manila subway at 60%한겨레화재 참사 안전공업 '화재경보 차단용 매뉴얼'까지 있었다...손주환 대표 등 13명 불구속송치SözcüTam 2 yıldır sınav veriyorlardı: Astrolog Amy Demure bugünden sonra makus talihi dönecek 4 burcu açıkladıCNN TürkFED’in ‘faiz’ kararı nasıl fiyatlandı?RapplerThe Villafuertes of CamSur: A tale of political survival and reinventionBusiness AMAmerikaanse F-35’s bewijzen hun nut in oorlog met Iran, al is er wel één cruciale voorwaardeThe South AfricanSouth Africa weather report: today’s most dangerous warningWirtualna PolskaPoranek Wirtualnej Polski. Gościem programu Michał Wójcik경향신문이주노동자 ‘직장 내 괴롭힘’ 신고 더 가파르게 늘었다…전체 2배로 늘 때 4배로
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, September 17, 2026

ALAMIN: Pangalan ng lungsod ng 'Marikina,' saan nga ba kinuha?

Translate

Madalas na malubog sa baha ang Marikina na kilala rin bilang “Shoe Capital of the Philippines,” dahil sa tila palanggana o catch basin ng tubig ang posisyon nito. Ang pangalan ng lungsod, sinasabing hango sa isang alamat na ang kuwento ay may kaugnayan din sa trahediya at tubig. Alamin.

Sa dokumentaryo ni Howie Severino para sa I-Witness na “Si Marikit at ang Baha,” ipinaliwanag ni Professor Tyrone Nepomuceno, historian sa University of Santo Tomas, na nanggaling umano sa oral history ang pangalan ng Marikina—si “Marikit.”

Ayon sa kuwento, si Marikit may isang napakagandang babae na naninirahan malapit sa ilog at gandang-ganda sa kaniyang sarili.

Palagi niyang pinagmamasdan ang kaniyang sarili sa salamin, at hindi lumalabas ng bahay kapag hindi siya nakaayos.

“At sinasabi ng mga tao, ‘Alam mo Marikit, Marikit ka na, maganda ka na.’ Lagi pong sinasabi sa kaniya iyon. Pero hindi po siya nasa-satisfy sa ganu’n,” paliwanag ni Nepomuceno.

Hanggang sa isang araw, niyaya si Marikit ng kaniyang pinsan na magsimba. Pagsakay sa bangka, tumigil si Marikit at nanalamin sa ilog.

Sa pananalamin ni Marikit sa tubig, hindi pa rin siya makuntento sa sarili niya.

“Biglang dumilim, umulan nang malakas. Lumaki bigla ang tubig sa ilog, may mga kasamang putik, at ‘yun, inanod na daw siya,” pagsasalaysay ng historian.

Kung kaya nabuo ang “Marikina” mula sa “Marikit na.”

“Nakita naman daw po ‘yung bangkay ni Marikit, pero ang sabi ng mga tao, ‘Aba, bangkay na ito, pero Marikit pa rin siya.’ Maganda pa rin siya kahit wala na. So, doon po, nagsimula ‘yung pangalan ng aming bayan na ngayon ay siyudad na ‘Marikina.’ ‘Marikit na.’ ‘Marikit ka na’ – Marikina,” sabi ni Nepomuceno.

Sa kasalukuyan, may nakatayong estatuwa ni Marikit sa gilid ng ilog ng Marikina.

Ayon kay Engr. Felix Romero Maderal, former chief ng Marikina River Parks Authority, na bukod sa “aesthetic,” sumisimbolo rin si Marikit ng kanilang alamat.

Ang estatwa rin ni Marikit ang nagsisilbi ring sukatan para maging alerto ang mga residente pagdating sa mga baha. Kung halimbawang umabot na ang tubig ng ilog sa kuko ng mga paa o sa palda, nangangahulugan na kailangan nang maghanda ang mga tao dahil indikasyon ito ng matinding pagbaha.

Nang manalasa noon ang bagyong Ondoy, isa ang Marikina sa mga lugar na matinding napuruhan ng pagbaha. Maraming bahay ang nalubog sa tubig at marami ang nasawi.– FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.