The Jerusalem PostA moment of Israeli pride: Avi Nesher’s ‘Our Loves’ gets standing ovations in TorontoESPN DeportesReal y Barça se interesan en la perla del UnitedRTP DesportoMilan - SL Benficaוואלהכלב נגוע בכלבת אותר סמוך לשפרעם: שלושה בני אדם הופנו לטיפול מונעESPN📈 NFL Power Rankings: Stacking every team through one week of gamesInquirerSpeaker Dy mourns death of Quirino Gov. Dax CuaBollywood HungamaBREAKING: Government of India reconstitutes CBFC; Suniel Shetty, Preity Zinta, Priyadarshan, Pankaj Tripathi among 18 members20 Minuten«Herr Fehlinger, wie viel verdienen Sie als Swiss-CEO?»Football ItaliaGoncalo Ramos: ‘I don’t feel pressure of being most expensive Milan player’The Hollywood Reporter‘Girl Group’ Review: Rebel Wilson Writes, Directs and Stars in Derivative Pop Slop as Bland and Unimaginative as Its TitleCBS News3 dead after NBC Los Angeles news helicopter crashes in ChatsworthSudinfo« Un jour, ce sera un enfant » : après une dizaine de moutons tués par de nouvelles attaques de loup, Xavier, éleveur de Verviers, vit dans l’angoisse (vidéo)
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, September 16, 2026

Magkapatid na batang lalaki na nangunguha ng kangkong na kanilang iuulam, nalunod

Translate

Nauwi sa trahedya ang pagkuha ng magkapatid na batang lalaki ng kangkong na kanilang uulamin mula sa isang palaisdaan nang malunod silang pareho sa Bayambang, Pangasinan.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing dakong 10:30 am nitong Martes nang nagtungo ang magkapatid na lalaki na edad 9 at 10 sa palaisdaan na hindi kalayuan sa kanilang bahay.

Kasama rin nila noon ang isa nilang pinsan na menor de edad din.

Pero habang nangunguha ng kangkong, napunta ang nakakabatang kapatid sa malalim na bahagi ng tubig ng palaisdaan.

Kaagad naman siyang sinaklolohan ng nakatatanda niyang kapatid pero maging ito man ay napunta na rin sa malalim na bahagi ng palaisdaan.

Dito na humingi ng tulong sa ibang tao ang kanilang pinsan pero hindi na nailigtas ang buhay ng magkapatid.

Sinabi ng ama ng magkapatid na si Joenil Vigo, na doble ang sakit na kaniyang nararamdaman sa sinapit ng mga anak.

Nagtatrabaho si Vigo bilang helper sa isang junk shop sa Bulacan upang maitaguyod ang kaniyang pamilya.

Noong nakaraang Sabado nang huli niyang makausap sa telepono ang mga anak at hindi niya inakala na iyon na ang huling pagkakataon na makakausap niya ang dalawa.

Samantala, kaarawan pa man din ngayon ng ina ng mga bata na si Mary Joy.

Ngunit ang dapat sanang masayang selebrasyon, napalitan ng pagdadalamhati dahil sa sinapit ng mga bata.

Aalamin naman ng pulisya kung may pananagutan ang may-ari ng palaisdaan sa nangyari sa magkapatid.

Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang may-ari ng palaisdaan, ayon sa ulat.—FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.