ESPN DeportesCheco: las cinco razones de su renovación con CadillacThe Jerusalem PostCourt orders house arrest for security coordinator charged with shooting Palestinian womanInquirerCJ aspirant pushes for cyber defense, lifestyle checks in the judiciaryESPNSources: Pacers' Haliburton to miss time with strained hamstringDaily MaverickPOWER POLITICS OP-ED: Eleven years, thousands of megawatts, zero delivery — SA’s gas-to-power procurement failureZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFCollider50 Years Later, ‘Rocky’ Officially Returns to More Than 3,000 TheatersBusiness AMRio Tinto plant loonsverhoging van 56 procent voor CEO Simon TrottPopular ScienceDog’s paw print found in a 3,700-year-old brickVariety‘Difficult People’ Creator Julie Klausner on Reuniting Billy Eichner and the Gang for a Live-Read of the Movie Script That Never Got MadeDeadline85 South Media Inks Tubi Distribution Deal, Including Curated Collection Of ‘The Best Of The 85 South Show’The Hollywood Reporter‘South Park’ to Fight for Its Beef in Latest Episode
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, October 28, 2026

Alex Eala, pinataob si Talia Gibson kahit nagpakaba muna nang matalo sa unang set ng laban nila sa Pan Pacific Open

Translate

Nakabawi si Alexandra “Alex” Eala mula sa pagkatalo sa unang set upang pataubin ang Australian na si Talia Gibson, 4-6, 6-2, 6-0 sa kanilang sagupaan sa Round of 16 sa Pan Pacific Open nitong Miyerkules sa Tokyo, Japan.

Muntik nang maagang magpahinga sa torneo ang 21-anyos na Pinay tennis star, ngunit nanatili siyang palaban sa huling dalawang set upang talunin world No. 38 na si Gibson, at makapasok sa quarterfinals sa unang pagkakataon ng Asian Swing.

Dahil sa panalo kay Gibson, makakaharap muli ni Eala sa quarterfinals ang third seed na si Diana Shnaider, na tumalo sa kaniya sa Round of 16 ng Ningbo Open nitong nakaraang Huwebes sa China.

Sa laban niya kay Gibson, sinikap ni Eala na makabawi sa unang set nang mapanalunan niya ang Game 9. Gayunman, sinamantala ng 22-anyos na si Gibson ang pagkakamali ni Eala sa backhand upang masungkit ang unang set.

Hindi basta sumuko ang Filipina ace laban kay Gibson, na dalawang beses na niyang tinalo sa kanilang nakaraang dalawang paghaharap.

Mabilis na nakalamang si Eala sa 5-2 sa ikalawang set bago tuluyang iselyo ang panalo sa pamamagitan ng isang backhand winner.

Napahaba pa ni Gibson ang Game 8 at sinubukang pigilan si Eala, ngunit nagawang manaig ng Pinay para maitulak ng ikatlo at deciding set.

Sa huling set, ipinakita ng world No. 19 na si Eala ang kaniyang determinasyon nang limitahan sa limang puntos lamang si Gibson sa unang apat na laro. Winalis pa niya ang Game 4 upang makalamang nang 4-0.

Muntik na ring hindi makapuntos si Gibson sa Game 5, kung saan nakalapit na si Eala sa pagkuha ng match point. Gayunman, lumaban si Gibson sa Game 6 at nakakuha ng dalawang pagkakataon para maagaw ang serve ni Eala.

Sa kabila nito, nanatiling matatag ang Filipina tennis star at tuluyang tinapos ang laban upang makapasok sa quarterfinals ng torneo.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.