Sheree, may hindi kaaya-ayang karanasan sa lasing na male fan sa isang event

Ibinahagi ni Sheree ang hindi niya kaaya-ayang karanasan sa isang male fan na lasing nang matanghal siya noon sa isang event bilang miyembro ng Viva Hot Babes.
Sa guesting nila ng kapwa Viva Hot Babes member na si Jennifer Lee sa online talk show na Your Honor, sinabi ni Sheree na nabugahan siya ng tubig sa mukha ng nasabing fan na kakantahan niya dapat sa stage.
“I had a show somewhere in the province. Tapos alcohol kasi 'yung event,” pag-alala niya. Dahil sa kondisyon ng lalaki, nagmagandang loob si Sheree na bigyan ito ng tubig.
“So nu’ng umakyat 'yung guy, lasing na siya. So sabi ko, bigyan natin ng tubig bago ko siya kantahan. Kasi medyo barag-barag na siya, ganiyan (natutumba-tumba) na siya. Wala na siya sa sarili niya,” patuloy niya.
Ngunit sa halip na inumin ang tubig, naibuga raw ng lalaki ang tubig kay Sheree.
Halos hindi umano makapagpigil si Sheree sa kaniyang galit noong sandaling iyon. Sa kabutihang palad, pinigilan siya ng mga tao sa paligid.
Sakabila ng nangyari, umiral pa rin daw ang presence of mind at professionalism ni Sheree at itinuloy ang kaniyang pagtatanghal.
Kuwento niya, nang bumaba na ang lalaki, dinumog ito ng mga tao.
Reunited ang Viva Hot Babes para sa kanilang “Bulaklak: Viva Hot Babes Reunion Concert” sa New Frontier Theater sa Oktubre 23, 2026, Biyernes ng 8 p.m.
Kasama rin sa show sina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea Del Rosario, Gwen Garci, Jaycee Parker, Ella V., Jennifer Lee, at marami pang iba. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.