InquirerProsecution, defense anticipating ex-SC justices’ take on threshold issueESPN DeportesJames se retira de la selección colombianaThe Jerusalem PostOver 40 Israeli organizations sign joint statement in solidarity with NAZA filmmakersCNN TürkSuç örgütü lideri Pülümür Vadisi’nde yakalandıESPNWetzel: Sports should be a unifier, not a political dividerוואלהדיווח איראני: פיצוצים נשמעו באי קשםDaily MaverickKILLING SPREE: Ekurhuleni under lockdown: Police launch manhunt in Kempton Park after eighth murder victim found한겨레트럼프, 케네디센터 폐쇄 몽니BillboardCody Johnson’s ‘Take Me Back’ Takes Him Back to Hot Country Songs Top 10UOLEUA restrigem vistos a sul-africanos ligados a suposta discriminação contra brancosDeadline‘A Talent For Murder’ Review: Helen Mirren Is Mesmerizing As Tortured Genius Crime Writer Patricia Highsmith – Toronto Film Festival매일경제SK하이닉스 임단협 타결…성과급 주가 변동 부담 낮췄다
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, September 16, 2026

Pagluluto ng OG na Bicol Express, alamin

Translate

Pagdating sa pagkain patungkol sa Bicol, hindi maiiwan sa listahan ang lutuing “Bicol Express.” Ano nga ba ang kaibahan ng pagluluto nito kumpara sa pamamaraan sa ibang lugar? Alamin.

Sa nakaraang episode ng Pinas Sarap, ipinaliwanag na may ilang estasyon ng tren ang tinatawag na Bicol Express ng PNR hanggang sa Legaspi, Albay mula sa Tutuban sa Maynila. Ngunit naputol ang linya ng Bicol Express dahil sa mga nagdaang bagyo at pagguho ng lupa.

Sa kasalukuyan, aabot na lamang ang biyahe mula Tutuban hanggang sa Mamatid Station sa Laguna. Mula naman sa Legaspi hanggang sa Sipocot Station na lang aabot ang tren.

Panahon ng 1960 umano nang mauso ang pagtitinda ng pagkain sa Sipocot Station sa Camarines Sur. Dinadagsa ito ng mga tindera noon na nagbebenta ng mga kakanin, ulam, at ang sikat na putaheng “Bicol Express.”

Edad 13-anyos pa lamang at nasa high school noon si Nanay Loida Mendaro nang una siyang umangkas ng tren para magtinda ng kanin at ulam. Kasama ang dalawang kapatid, nagtitinda na siya noon ng Bicol Express, na ginataang sili na may alamang pa ang tawag noon.

“‘Yung kanin nakabalot sa dahon bago 'yung ulam, nakalagay lang sa platito. Ang recipe ng ulam na ‘yun, karneng baboy, alamang, sili, gata,” paliwanag niya.

Kalaunan, ipinagbawal ang pagtitinda ng pagkain sa loob ng tren, kaya nawala na rin ang mga naglalako ng Bicol Express.

Edad 59 na ngayon si Nanay Loida pero kabisado pa rin niya ang orihinal na recipe na minana sa kaniyang mga magulang.

Mas pinasarap ang original version ng Bicol Express ni Nanay Loida dahil sa balaw o mga sariwang alamang na hindi inaasinan o binuburo.

Pangunahing sangkap sa Bicol Express ang siling haba o siling pangsigang na mas kaya ng mga dila ng mga Pinoy ang taglay na anghang, ‘di tulad ng siling labuyo.

Tunghayan sa Pinas Sarap ang pagsabak ni Kara sa paghuli ng mga balaw, at ang pagluluto ni Nanay Loida ng orihinal na recipe ng Bicol Express na inilalako noon sa mga tren. Panoorin ang video. – FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.