ESPN DeportesDream y Valkyries pelean al tú por tú título en último cuartoESPNWNBA Finals Game 7 live updates, analysis and highlightsPunchDEZNY’s journey from school performances to AMVCAThe Jerusalem PostTrump speaks with Netanyahu shortly after discussing military operations with senior commandersCNN TürkTekirdağ- Kaldırımda yürürken motosiktetten açılan ateşle yaralandı한겨레정점식, 이 대통령 “링거·코피” 발언에 “잠 안 자고 SNS해서 그런 것 아닌가”InquirerPalawan cops seize P1.6M worth of illegally traded cigarettesSCMP ChinaRussia surpasses France in African youth appeal, still trails China: surveySouth China Morning PostSouth Korea’s latest chart sensation has a secret: the singer isn’t humanUOLTrump diz não ter planos de encontrar Flávio Bolsonaro, mas que ele pode ficar quanto quiser nos EUAZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-Nachrichtenstudio경향신문줄어든 니트, 되살릴 수 있을까…소재별 복원법
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, November 1, 2026

2 sakay ng motor, patay nang madaganan ng tumagilid na dump truck sa Negros Oriental; 9 sugatan

Translate

Dalawang sakay ng motorsiklo ang nasawi matapos silang madaganan ng tumagilid na dump truck sa Tanjay City, Negros Oriental. Siyam katao naman ang sugatan.

Sa ulat ni Vonne Aquino sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing naganap ang insidente sa Barangay Santa Cruz Nuevo Biyernes ng hapon.

Dead on the spot ang 25-anyos na rider, pati ang 73-anyos na babaeng pasahero niya sa habal-habal.

Sinabi ng pulisya na magkasunod sa kalsada ang malaking dump truck at mini dump truck bago ang insidente.

Gayunman, nawalan umano ng preno ang malaking dump truck pagdating sa pababa at palikong kalsada, at mabangga nito ang mini dump truck hanggang dumiretso ito sa bangin.

“Napabilis ang takbo ng mini dump truck papunta sa isang bangin. Ang malaking dump truck namang nakabangga, sinubukang kumabig papuntang kaliwa...natumba ito sa parating na motorsiklo,” sabi ni Police Chief Master Sergeant Roquito Mirata, Investigator ng Tanjay CPS.

Nagtamo naman ng sugat ang dalawang driver ng mga truck, pati ang isang empleyado ng LGU at ang anim na gurong sakay ng mga truck.

Lumabas sa imbestigasyon na parehong pag-aari ng Tanjay LGU ang dalawang dump truck na naging service na ng mga tauhan ng LGU.

Nakisakay na rin ang mga gurong na aksidente. Dalawa sa kanila ang nagtamo ng fracture kaya kailangan manatili sa ospital.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang truck driver na parehong tumangging magbigay ng kanilang panig.

Inaalam pa ng pulisya kung aakuin ng LGU ang pagpapagamot sa mga sugatan at gastusin sa mga nasawi.

Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang pahayag ang Tanjay LGU. —Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.